Hindi makapaniwala si Mathilde sa kaniyang nadinig. Para bang bumagsak ang kaniyang mundo. Nauwi lamang pala sa wala ang kanilang pinaghirapan sa nakalipas na sampung taon.
Bakit hindi mo kasi ito pinaalam kaagad sa akin?
Oh mahabaging Diyos, hindi ko akalaing ang tinamasa naming hirap ay para sa isang kwintas na imitasyon lamang.
Oh mahal kong kaibigan, hindi ko akalaing ganon ang dinanas mong hirap dahil sa kwintas na iyon.
Maaaring ako ay maiinis noong una, ngunit hindi kita pahihirapan at kamumuhian dahil lang sa rason na iyon. Kaibigan kita Mathilde, mas mahalaga iyon sa akin kumpara sa anumang materyal na bagay.
Ako ay pinangunahan ng takot. Natakot ako sa iyong magiging reaksiyon kapag nalaman mong nawala ko ang iyong kwintas. Ngunit, ako pala ay nagkamali. Hindi sana kami nagdusa ng aking mahal na asawa kung ipinagtapat ko lang sa iyo ang katotohanan.
Lumuhod si Mathilde at nagsimulang umiyak si harap ni Madame Forestier. Hindi siya makapaniwala sa mga sinambit ng kaniyang kaibigan. Ang kaniyang buong akala ay siya'y huhusgahan nito.
Mahal kong Mathilde, tumayo ka diyan at huwag kang umiyak. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo. Alam kong hindi mo ito sinadya at ginustong mangyari. Sadyang binulag ka lang ng kapangyarihan ng kayamanan at mga salapi na hindi ka na marunong makontento at hindi mo na nakikita ang mga magagandang bagay na nakapaligid sa iyo.
Oh mahal kong kaibigan, patawarin mo ako! Hindi ko dapat ipinagkait sa iyo ang katotohanan. Nakuha ko pang magsinungaling sa isinauli kong kwintas sa iyo. Anong klaseng kaibigan ako? Paumanhin sapagkat ako'y nagkasala at binigo ko ang ating pagkakaibigan.
Sa mga puntong iyon, napagtanto ni Mathilde kung gaano kabait si Madame Forestier at gaano pinahahalagahan ni Madame Forestier ang kanilang pagkakaibigan samantalang siya ay ninais lamang na malagay sa posisyon ni Madame Forestier na maging mayaman at maganda.
Halika't tumayo ka diyan at tayo'y umupo.
Masaya akong marinig mula sa iyo iyan, Mathilde. Masaya din akong may natutunan ka sa pangyayaring iyon. Nawa'y hindi na ito mauulit at nawa'y napagtanto mong mas marami pang bagay na mas importante kaysa sa yaman kagaya ng ating pagkakaibigan at ang pagiging totoo sa isa't isa.
Sadyang napakabait ng iyong kalooban, Madame Forestier. Bihira lang ang mga taong may ginintuan na puso. Nawa'y pagpalain ka ng Diyos sa kabutihang pinakita mo sa akin. Kahit na ganoon pa man ang naranasan naming paghihirap, nagpapasalamat pa din ako sa karanasang ito at lalong lalo na sa iyo sapagkat kung hindi ito nangyari, malamang ay hindi pa din ako marunong makontento sa aking buhay at hindi ko napapahalagahan ang magagandang bagay na nakapalibot sa akin.
Dahil diyan, isasauli ko sa iyo ang kwintas na iyong binigay sa akin.
Gumaan ang mabigat na pakiramdam ni Mathilde. Para bang nabunutan ng tinik ang kaniyang puso sapagkat nakuha na niyang magpakatotoo kay Madame Forestier at sa kaniyang sarili. Ngumiti si Madame Forestier kay Mathilde at may sinabing ikakagulat at ikakatuwa ni Mathilde.
Isasauli ko iyon sa iyo kasi karapat-dapat itong mapabilang sa iyo dahil ito ay pinaghirapan mo. Samakatuwid, hindi naman talaga maituturing akin ang kwintas na iyon sapagkat ang totoong kwintas na siyang imitasyon lamang na iyong hiniram ay nawala. Hindi rin naman iyon gaano kamahal kumpara sa kwintas na isinauli mo sa akin. Umaasa ako na nawa'y sa pagkakataon na ito, gagamitin mo sa tama ang kwintas na ito at hindi mo sayangin.
Hala! Bakit? Hindi ko maintindihan. Ang kwintas na iyon ay iyong pag-aari. Hindi mo ito kailangang isauli o ibigay sa akin kasi nararapat iyon sa iyo.
Oh mahabaging kaibigan, hindi ako makapaniwala! Sobrang napakabait mo sa akin kahit ako'y hindi naging mabuting kaibigan sa iyo. Oo, Madame Forestier, sa pagkakataon na ito, makakaasa ka sa akin pagdating diyan.
Pagkatapos non, nagdesisyon na ang dalawa na umuwi. Hinatid ni Madame Forester si Mathilde patawid ng daan si at nagpaalam na sila sa isa't isa upang umuwi. Masayang naglakad pauwi si Mathilde. Nakasalubong niya ang kaniyang mahal na asawa at kinuwento niya sa daan ang nangyari.
Paalam, aking kaibigan. Mag-ingat ka palagi!
Tama ba ang aking narinig, mahal ko? Napakagadang balita nito. Oo nga, halika na at umuwi na tayo upang mapag-usapan natin ang ating gagawin diyan.
Paalam! Ikaw din, Madame Forestier. Hanggang sa muli.
Oh aking pinakamamahal, tamang tama na nagkasalubong tayo. Hindi ka maniniwala sa nangyari ngayon. Ibinigay pabalik ni Madame Forestier ang kwintas sa atin. Sabi niya'y nararapat daw ito sa atin at nawa'y gamitin na natin ito ng tama. Tara na at umuwi upang ipaghanda kita ng makakain at mapag-usapan natin ito ng maigi.
מעל 40 מיליון לוחות סטוריבורד נוצרו
אין הורדות, אין כרטיס אשראי ואין צורך בכניסה כדי לנסות!