לחפש
  • לחפש
  • לוחות הסיפורים שלי

Unknown Story

צור לוח סיפור
העתק את לוח התכנון הזה
Unknown Story
Storyboard That

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

צור Storyboard משלך

נסה את זה בחינם!

טקסט Storyboard

  • Oh kay ganda naman ng bestidang iyon! Tiyak kong babagay iyon sa akin.
  • Isang araw, namasyal si Rea kasama ang kaniyang ate sa kanilang bayan. Siya ay nakakita ng isang magandang bestida na nais niyang bilhin.
  • Oo nga! Talagang nakakamangha ang taglay nitong ganda!
  • Hay. Ano kayang maaari kong gawin upang mabili ko ang bestidang iyan? Gustong-gusto ko talaga niyan e. Gagawin ko lahat.
  • Sa kasamaang palad, walang pera si Rea upang ipambili ng magandang bestida. Kaya naman, napagpasiyahan niya na umuwi na lamang.
  • Sa kaniyang pag-uwi, nakaisip na siya ng paraan. Ganito ang naging takbo ng kanilang usapan.
  • Inay, may kailangan po kasi akong bilhin para sa aming proyekto sa paaralan na kailangang-kailangan ko na po ngayon.
  • Oh sige anak. Sapat na ba ito? Gipit din kasi talaga tayo ngayon. Pagpasensiyahan mo na anak.
  • Inay
  • Naku! Nasasabik na akong masuot ang bestidang iyon! Talaga namang iingatan ko iyon!
  • Habang sabik na sabik si Rea sa kaniyang bestida, ito ang nangyayari sa kanilang sala.
  • Ganoon ba anak? Sige't kakausapin ko ang kapatid mo tungkol dito.
  • Inay, hindi po totoo ang sinabi ni Rea sa inyo. Gagamitin niya lamang ang pera sa pagbili ng bestida.
  • Lubos na nadismaya ang ina ni Rea sa kaniyang nalaman. Kaya naman, tinitiyak niyang papangaralan niya ito.
  • Sa huli, naunawaan ni Rea na dapat niyang gamitin ang isip at pasunurin ang kilos-loob para lamang sa paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal.#HonestyistheBestPolicy
  • Inay, alam kong alam niyo na po ang katotohanan. Pasensiya na po. Sa huli ay aking nalaman na mali ang aking ginagawa kaya hindi ko na ito itinuloy.
  • Mabuti naman, anak. Huwag mo itong uulitin ulit ha. Mahalagang pahalagahan natin ang katotohanan.
נוצרו מעל 30 מיליון לוחות סיפור