Alam mo ba, sobra akong naawa sa nangyari kay Tata Selo sa kuwento. Biruin mo, matanda na siya pero pinagmalupitan pa at ikinulong. Parang nabalewala ang karapatang pantao niya!
Tama ka naman d’yan, ngunit kung titignan natin, maging si Tata Selo ay lumabag din sa karapatang pantao nang tinaga niya si Kabesang Tano…
Nagawa niya lang naman ‘yon dahil naunang nalabag ang karapatang pantao niya nang pahintuin siya sa pagsasaka at tinungkod!
Sumasang-ayon naman ako na mali na siya ay tinungkod, subalit sa kaso ng pagpapahinto sa kaniyang magsaka, tingin ko’y may karapatan naman si Kabesang Tano dahil pagmamay-ari niya na ang lupain.
Ngunit napunta lamang iyon sa kaniya dahil naisangla ito ni Tata Selo at naembargo lamang niya!
Eksakto! Kaya sa mata ng nakararami, kahit papaano’y may karapatan si Kabesang Tano sa nais niyang gawin sa kaniyang sakahan kabilang na ang pagtatalaga at pag-aalis ng mga manggagawa…
Pero paano naman ang ginawang pananakit sa kaniya at pagpapakulong kahit matanda na siya?
Hindi tama ang pananakit, ngunit kung hindi siya papanagutin, paano naman ang hustisya sa nangyari kay Kabesang Tano?
Ipinagtanggol lamang niya ang kaniyang sarili!
Mga anak, pareho naman kayong may punto. Pareho silang may karapatan subalit may mali nga lamang sa kanilang pagpapahayag at paghingi nito.
May karapatan si Kabesang Tano na gawin ang kaniyang nais sa kaniyang lupain subalit mali na ginawa niya ito sa pamamagitan ng dahas. May karapatan din si Tata Selo subalit hindi nararapat na ilagay niya ang batas sa sarili niyang kamay.Lagi nating tatandaan na hindi dahil may karapatan ka, ay maaari mo nang tapakan ang karapatan ng iba…
מעל 40 מיליון לוחות סטוריבורד נוצרו
אין הורדות, אין כרטיס אשראי ואין צורך בכניסה כדי לנסות!