Ang Matanda at ang Batang Paruparo

  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

Isang paruparo na may katandaan, Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay; Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw Binigyan ang anak ng ganitong aral: Ang ilaw na iyang maganda sa mata Na may liwanag nang kahali-halina Dapat mong layuan, iyo’y palamara, Pinapatay bawat malapit sa kaniya. “Ako na rin itong sa pagiging sabik! Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit, ang aking napala’y palad ko pang tikis nasunog ang aking pakpak na lumiit.” “At kung ako’y itong nahambing sa iba na di nagkaisip na layuan siya, disin ako ngayo’y katulad na nila, nawalan ng buhay at isang patay na.” Ang pinangaralang anak ay natakot at pinangako ang kaniyang pagsunod; ngunit sandali lang. Sa sariling loob ibinulong-bulong ang ganitong kutob; “Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin ng ina ko upang lumayo sa ningning? Diwa’y ibig niyang ikait sa akin ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.” “Anong pagkaganda ng kaliwanagan! isang bagay na hindi dapat layuan, itong matanda ay totoo nga namang sukdulan ng lahat nitong karuwagan!” “Akala’y isa nang elepanteng ganid ang alin mang langaw na lubhang maliit, at kung ang paningin nila ang manaig magiging higante ang unanong paslit.” “Kung ako’y lumapit na nananagano ay ano ang sama ng mapapala ko? Kahit na nga niya murahin pa ako ay sa hindi naman hangal na totoo.” “Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid sa kanilang gawa ang aking paglapit, sa pananakali’y di magsisigasig sa nagniningningang ilaw na marikit.” Nang unang sandaliy’ walang naramdaman kundi munting init na wari’y pambuhay, ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.

Storyboard Text

  • Ang ilaw na iyang maganda sa mata Na may liwanag nang kahali-halina Dapat mong layuan, iyo'y palamara Pinapatay bawat malapit sa kaniya.
  • At kung ako’y itong nahambing sa iba na di nagkaisip na layuan siya, disin ako ngayo’y katulad na nila, nawalan ng buhay at isang patay na.
  • Isang paruparo na may katandaan, Sa lakad ng mundo ay sanay na sanay; Palibhasa'y di nasisilaw sa ilaw Binigyan ang anak ng gintog aral
  • Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin ng ina ko upang lumayo sa ningning? Diwa’y ibig niyang ikait sa akin ang sa buong mundo’y ilaw na pang-aliw.
  • Ako na rin itong sa pagiging sabik! Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit, ang aking napala’y palad ko pang tikis nasunog ang aking pakpak na lumiit.
  • Akala’y isa nang elepanteng ganid ang alin mang langaw na lubhang maliit, at kung ang paningin nila ang manaig magiging higante ang unanong paslit.
  • Ang pinangaralang anak ay natakot at pinangako ang kaniyang pagsunod; ngunit sandali lang. Sa sariling loob ibinulong-bulong ang ganitong kutob;
  • Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid sa kanilang gawa ang aking paglapit, sa pananakali’y di magsisigasig sa nagniningningang ilaw na marikit.
  • "Anong pagkaganda ng kaliwanagan! isang bagay na hindi dapat layuan, itong matanda ay totoo nga namang sukdulan ng lahat nitong karuwagan!" Wika ng batang paruparo.
  • “Kung ako’y lumapit na nananagano ay ano ang sama ng mapapala ko? Kahit na nga niya murahin pa ako ay sa hindi naman hangal na totoo.” Wika ng batang paruparo.
  • Nang unang sandaliy’ walang naramdaman kundi munting init na wari’y pambuhay, ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
More Storyboards By angelpresc
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics