Sa unang Sabado, hiniling ng batang si Rebona magdiwang ng kaniyang kaarawan kahit hindi pa mismo araw ng kaniyang kapanganakan.
IKA-APAT NA SABADO
Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Ngunit pagkatapos ng bertday, siya ay muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan.
IKALIMANG SABADO
Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, datapwat di man lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan.
IKA-ANIM NA SABADO
Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala. Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya dinala ko siya sa carnibal subalit iisa lang ang gusto niyang sakyan.
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga. Dahil sa malalang saki namatay siya habang tangan ko siya sa aking bisig.
Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang hirap. Samantalang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
Yli 40 miljoonaa luotua kuvakäsikirjoitusta
Ei Latauksia, ei Luottokorttia ja ei Vaadi Kirjautumista Kokeilemiseen!