Huwag kang mahiya, andito naman kami! Dalhin mo na din si Raquel para may kasama ka. Kita-kits, bye!
Nabigla si Kristina, ngunit nasasabik din. Sa wakas, ito na ang pagkakataon niya para maging isa sa mga sikat na estudyante, at hindi para maging katawa-tawa lamang. Tumingin si Kristina kay Raquel, hinihintay ang sagot.
Ayoko.
Narinig mo naman siguro ‘yun diba?
Paano na yung exam natin bukas? Mas uunahin mo ba ‘yan kesa sa mag-aral at makapasa? Alam mo, ang isang taong nagsusumikap upang makamit ang kanyang pangarap sa buhay ay mas hinahangaan kesa sa desisyong pinili mo ngayon.
Bahala ka, basta’t pupunta ako.
Bago niya namalayan, mag-isa nalang siyang nakaupo sa karinderya. Katahimikan ang nagpapaligid sa kanya ngayon. Iniwan na siya ni Kristina na mag-isa, ang taong akala niya’y matalik niyang kaibigan at ang taong hindi niya inaasahang itakwil ang responsibilidad bilang estudyante. Nadurog ang kanyang puso kaya hindi niya mapigilang mapaluha.
Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iyak ay biglang may lumapag na paruparo sa kanyang pinagkainang plato. Sa sandaling iyon ay napagtanto niyang hindi siya nag-iisa, sapagkat ang paruparo na dumapo sa kanyang plato, ay ang pinaniniwalaan niyang kanyang nasawi nang ina. Sa paraan ng pagpapakita ng paruparo na ito tuwing siya’y may pinagdadaanan, ay parang binibigyan siya ng mensahe ng kanyang ina na magiging maayos din ang lahat pagdating ng panahon. Nang napagtanto niyang hindi niya mapipigilan si Kristina sa kanyang kagustuhan, ay tumayo na siya at umuwi na lang para mag-aral sa darating na exam.
Habang masipag na nag-aaral si Raquel sa kanilang bahay para sa exam bukas, ay ganun din kasipag si Kristina na uminom ng maraming alak. Ang pagpapalasing kay Kristina ang tanging dahilan nina Jonel, Nicole, at Marisol para imbitahin siya sa party at hindi para kaibiganin siya.
Yli 40 miljoonaa luotua kuvakäsikirjoitusta
Ei Latauksia, ei Luottokorttia ja ei Vaadi Kirjautumista Kokeilemiseen!