Noong unang panahon, ang mundo ay isang malawak na kagubatan na sagana sa likas na yaman. Saan mang dako, ang tanging makikita ay ang malalago at matatayog na punong kahoy at luntiang mga halamanan.
ANG BIYAYA NG KALIKASAN
Sa gitna ng kagubatan, namunga ang isang prutas na sobrang tingkad ng kulay at ang halimuyak nito ay umaabot ng apatnapung libong kilometro. Sa tingkad ng pagkakahel ng prutas na ito, masisilaw ang sinumang magtangkang pitasin ito sa puno. Kung kaya't kailanma'y hindi ito makukuha o malalaglag mula sa kanyang lokasyon.
PANG-AABUSO SA KALIKASAN
Sa pagdaan ng maraming panahon, ang mga tao ay gumawa ng paraan upang maitayo ang kanilang kabihasnan. Kung kaya't pinutol ng mga mapang-abuso ang mga puno sa malawak na kagubatan.
HONK!
ANG MODERNONG KABIHASNAN
Nang naitatag ng mga tao ang kanilang magagarang siyudad, nalimutan ng mga tao ang pag-alaga sa kalikasan. Ito ay nagdulot ng polusyon sa hangin at lupa.
MALAWAKANG PAGKAWASAK NG KALIKASAN
ANG PAGBAGSAK
Sa huli, ang matingkad at mahalimuyak na prutas ay nalaglag mula sa puno dahil sa pagkasira sa kalikasan.  
Dahil sa patuloy na pang-aabuso ng mga tao sa kalikasan, nagdulot ito ng mga sakuna tulad ng pagbaha, global warming, forest fire at climate change.
Tayo ang umabuso. Tayo ang naperwisyo. Tayo rin kaya ang tutulong sa muling pagbuhay nito?
ITUTULOY...
Yli 40 miljoonaa luotua kuvakäsikirjoitusta
Ei Latauksia, ei Luottokorttia ja ei Vaadi Kirjautumista Kokeilemiseen!