Isang hapon, habang papuntasi Dahon noon sa ilalim ng puno ng Mansanas nang may nakabunggoan siyang dalaga na naglilikha ng tula. Dahil rito, bumagsak ang librong pinagsusulatan ng dalaga at nag-unahan pa silang damputin ito.
Anong nangyayari sa'kin?
Nabighani rito si Dahon kaya’t nung humingi sakanya ng tulong ang dalaga na basahin ang kaniyang nililikhang tula, tinanggap niya ito subalit bilang isang tamad, siya ay nagpanggap na binasa niya ito at sumang-ayon na lamang sa tula ng dalaga.
Aking binibini!nasaan ka?
Binibini! Magpakita ka na ulit, babasahin ko na talaga ang iyong mga tula pangako!
Aking tinatangi, ika'y magpakita na sa'kin!
Umaraw man o gabi ay kinikita ni Dahon ang dalaga palagi sa ilalim ng puno ng mansanas, patuloy lang sa pagpapanggap si Dahon ngunit ang hindi niya alam ay napapansin ng dalaga ang mga gawi at kilos nito kaya't sinubukan niyang turuan ng leksyon si Dahon gamit ang kaniyang kapangyarihan.
Makalipas ang ilang araw, napapansin ni Dahon ang kaniyang pagnipis at pag-iiba ng tekstura ng kaniyang balat na para bang nagiging isang papel ang kaniyang balat.
Sinubukan ni Dahon na hagilapin ang dalaga upang maitanong kung may koneksyon ba siya sa kaniyang kondisyon. Ilang oras nito hinanap ang dalaga sa kagubatan subalit wala siyang natamo o nakitang kahit na anong bakas ng dalaga.
Hindi makalaunan, napagtanto ni Dahon ang kanyang pagkakamali at kasalanan. Siya ay naging isang libro na may pamagat na Amihan na pangalan din nung dalaga. Ang pamagat ay may malalim na kahulugan, nangangahulugan ito sa walang malay na si Dahon na itinatangay na pala ng malakas na hangin ang kaniyang sarili at nagpapalit anyo na siya bilang isang libro. Napatawad na ito ni Amihan at natanggap na rin ni Dahon ang kanyang tadhana.
Yli 40 miljoonaa luotua kuvakäsikirjoitusta
Ei Latauksia, ei Luottokorttia ja ei Vaadi Kirjautumista Kokeilemiseen!