Saknong 130-131Hinihinging patnubayanang ulilang paglalakbay,hirap nawa'y matagalansa pag-ibig sa magulangAt makita ang kapatidna laon nang nawawaglit,ano man ang nasapitnawa'y ligtas sa panganib.
Saknong 132 -134Tuwing makaisang buwanng paglalakad sa parang,saka lang naiisipangkanin ang isang tinapay.Gutom ay di alumanalakas nama'y walang bawa,walang hindi binabatamahuli lang ang adarnaApat na buwan nang ganapang haba ng nalalakad,ang nakain nay may apatsa tinapay na tumigas.
Saknong 135 - 137Sinapit ding maginhawaang landas na pasalungat,si Don Jua'y lumuhod na'ttumawag sa Birheng Maria"Ako'y iyong kahabaganBirheng kalinis-linisannang akin ding matagalanitong matarik na daan."Nang sa Birhe'y makatawagay sandaling namanataglubusang nagpasalamatsa Diyos, Haring mataas.
Paliwanag:Naipaliwanag sa mga saknong ang kahalagahan ng bawat miyembro ng pamilya. Di matiis ng anak na makita ang pagdurusa ng ama dahil sa sakit kaya ninais niyang tumulong na rin sa paghanap ng lunas at mahanap ang dalawang kapatid na di na nakauwi mula sa paghahanap ng lunas para sa amang may sakit. Handang tiisin ang pagod, gutom at hirap sa paglalakbay na pinatatag lang ang sarili dahil sa hangad na makahanap ng lunas para sa ama. Matatag ang kanyang panampalataya sa Panginoon na siya'y hindi pababayaan.
Ang pagpapahalagang Pilipino sa mga saknong ay ang pagkakaroon ng pusong makapamilya. Handang ibuwis ang buhay para sa minamahal. Ninais natin ang kapakanan ng bawat miyembro ng pamilya. Tayong mga Pilipino ay matatag ang panampalataya sa Diyos na hindi tayo pababayaan sa mga pagsubok na dumating sa ating buhay, habang may buhay, ang tao may pag-asa.