Traži

Unknown Story

Kopirajte ovaj Storyboard
Unknown Story

Storyboard Tekst

  • Tumatakbo pauwi si Sisa habang magulo ang kaniyang isip. Iniisip niya kung ano ang gagawin upang mailigtas si Basillio at Crispin dahil hindi niya mawari ang sinabi ng kura tungkol sa kaniyang mga anak.
  • Nang makarating na si Sisa sa kaniyang bahay, ay lalo siyang kinabahan nang matanaw niya ang dalawang guwardiya sibil na nasa kaniyang bahay munit nabawasan lamang ang kaniyang kaba nang makita niyang hindi kasama ang dalawang anak.
  • Galit na sinalubong si Sisa ng mga guwardiya sibil upang matakot siya ng sobra lalo na at pilit pinapasabi sa kaniya kung nasaan ang mga ninakaw ng kaniyang mga anak.
  • Pilit pinaamin si Sisa sa bintang ng kura. Kinakaladkad siya papunta sa kuwartel dahil ang kaniyang mga katuwiran ay hindi pinaniniwalaan.
  • Hindi pinakinggan si Sisa sa kaniyang pakikiusap na sana pagdating nila sa kabayanan ay payagan siyang maglakad ng nauuna sa guwardiya sibil. Kaya ng paglabas ng mga tao galing sa simbahan, ay laking hiya nito Sisa ng makita siya.
  • Lalong nawalan ng pag-asa si Sisa sa nangyayari sa kanilang buhay.Ruming-rumi na ang damit niya at ang kaniyang buhok ay sobrang gulo dahil sa takot niya noong ikunulong siya sa kuwartel at sa takot niya ay sumiksik siya sa isang sulok.
  • Dalawang oras na ikinulong si Sisa, hinang-hina na ito, munit sa kabutihang palad ay naawa ang alperes sa kaniya at iniutos na palayain na lamang siya.
  • Sumisigaw na tinatawag niya ang pangalan ng kaniyang mga anak habang naglalakad siya pauwi sa kanilang bahay.
  • Mga anak ko!Crispin!Basilyo
  • Inisip ni Sisa kung ano na ang nangyayari sa kaniyang mga anak. Ninerbiyos siya nang paulit-ulit at hindi niya maarok kung bakit nangyari ito sa buhay nila.
  • Unti-unti na siyang nawawala sa kaniyang sarili hanggang sa sumusunod na araw ay palaboy-laboy na si Sisa sa daan kaya nagsimula na siyang katakutan ng mga tao kapag umiiyak at sumisigaw siya ng bigla-bigla.
Izrađeno više od 30 milijuna scenarija
Bez Preuzimanja, bez Kreditne Kartice i bez Prijave!
Storyboard That Obitelj