Sa isang kaharian na tinatawag na Albania pinanganak ang bata na nagngangalang Florante
Siya ay isang anak ng Duke na nagngangalang Duke Briseo, ang pribadong tanungan ng Hari ng Albania na si Haring Linceo at ang ina naman niya ay nagngangalang Prinsesa Floresca na Prinsesa ng isang kaharian na tawag ay Crotona. Ang kanyang mga magulang ay sobrang mapagmahal sa kaniya.
Sa kanyang kabataan, Dalawang beses na siyang muntik na mawalan ng buhay. Isa doon ay muntik na siyang Matangay ng Isang buwitre habang siya ay natutulog ngunit nailigtas siya ng kaniyang pinsan na si Menalipo. At ang panglawa naman ay nang pagtangkaan ng isang arkon ang batong diyamanteng hiyas na nasa kanyang dibdib.
Sa kanyang paglaki nahiligan ni Florante ang mangaso sa gubat ng mababangis na hayop sa gubat. Nakaugalian din niya ang manalamin sa batis, siya ay masaya na sa gantong ginagawa niya ngunit ayaw ng mga magulang ni Florante na hindi daw dapat siya lumaki sa layaw. At dahil dito ipinidala siya ng kanyang mga magulang sa Athenas para mag aral.
Sa kanyang pagdating sa Athenas siya ay nalungkot dahil sa kanyang mga magulang ngunit ito tinulugan siya ng kanyang guro sa problemang ito. Nakilala rin niya si Adolfo ang kanyang naging kaibigan.
Nagkaroon ng palabas sa kanilang paaralan. Isang trahedya at ang gumanap na magkapatid ay sina Florante at Adolfo.At nang sinabi ni Adolfo ang kanyang diyalogo bigla niyang inatake si Florante at buti nalang maagap si Menandro kung hindi ay patay na si Florante.
At dahil dito pinauwi si Adolfo sa Albania at nagpatuloy mag aral si Florante sa Atenas.
Nakatanggap si Florante ng isang sulat na galing sa kanyang ama na patay na ang kanyang ina. Labis na lungkot ang pinagdaanan ni Florante. Ngunit hindi ito ang naginig hadlang niya, ipinagpatuloy parin niya ang kanyang pag aaral.
At nang Dumaan ang dalawang buwan nakatanggap ulit siya ng liham na hindi galing sa kanyang ama kundi sa hari ng Albania na umuwi na siya papunta sa Albania. at nagpaalam si Florante sa kanyang mga kaibigan at umuwi na siya kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Florante.
Izrađeno više od 30 milijuna scenarija
Bez Preuzimanja, bez Kreditne Kartice i bez Prijave!