Ang taas na ng inflation rate. Gagawa ako ng anonymous open letter para kay Ginoong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa inflation.
Ano nga ba ang inflation? Sabi ni mommy wala na daw halaga ang piso, kaya ang bawat bilihin ay mahal na.
Susulat na ako ng liham kay Pangulong Marcos baka sakaling makatulong.
G. Ferdinand Marcos Jr.Pangulo ng Republika ng PilipinasSetyembre 09, 2022Magandang araw po Ginoong Marcos.Ako po ay isang mag-aaral na mayroong gustong ipahatid sa inyo. Itago ninyo nalang po ako sa pangalang Jan. Gusto ko po sanang sabihin sa inyo na sa edad kong 11 anyos, naiinitindihan ko na po ang nangyayari sa ating bansa at ako po ay nag-aalala. Tumataas na po ang presyo ng mga bilihin, napakababa na rin po ng halaga ng piso laban sa dolyar, ang sabi ng aking mga magulang, dahil daw po ito sa mataas na inflation rate.
Napansin ko rin po na mas marami po nahihirapan ngayon, napapanood ko po ito sa mga balita, mga Pilipino ay nahihirapan sa pang araw-araw na gastusin. Ano po kaya ang dapat natin gawin?
Nais ko po sana makatulong sa mga programa ng pamahalaan para malutas ang mga problema natin. Nais ko pong marinig ang inyong mga plano para sa mga problemang nabanggit. Ako at ang aking pamilya ay handang sumuporta sa inyong magagandang plano. Umaasa po akong makarinig ng sagot mula sa inyo. Minamahal ko po ang ating bansa at hangad ko po na gumanda at umayos ang buhay sa ating bansa para hindi na po pumunta sa ibang bansa ang mga Pilipino para magtrabaho o manirahan doon.Nagmamahal sa ating bansa,Jan
Pres. Marcos, mayroon po kayong liham, gusto ninyo ba basahin? Galing po ito sa isang mag-aaral.
Oo, sige.
Marunong talaga ang batang ito, nakakatuwa na sa murang edad, alam na niya na ang nangyayari sa ating bansa. Sasagutin ko siya para ibahagi ang aking mga plano para malutas ang mga problema so ekonomiya...
Izrađeno je preko 40 milijuna scenarija
Bez Preuzimanja, bez Kreditne Kartice i bez Prijave!