Pinuntahan na agad ni Don Juan ang bahay na ibinilin sakanya ng matanda at doon muna nakitulog. Nang paalis na ang prinsipe, binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng labaha at dayap na magsisilbing kagamitan niya para siya ay manatiling gising habang hinuhuli ang Ibong Adarna.
Naghintay nang buong gabi ang prinsipe para mahuli ang Ibong Adarna. Nang bigla na dumapo ang ibon, saka na ito kumanta ngunit, dahil sa labaha at dayap, nanatiling gising ang prinsipe habang sinusugatan niya ang kaniyang sarili. Natagumpayan naman niya na mahuli ang Adarna.
Dali dali naman na bumalik ang prinsipe sa bahay ng ermitanyo at inutusan siya na na kumuha ng tubig at saka pumunta sa lawa para buhusan ang dalawang bato. Agad namang sinunod ito ni Don Juan at ibunuhos na ang tubig sa dalawang bato at bigla nang tumambad ang kaniyangdalawa niyang kapatid.
Labis namang nagpapasalamat ang kaniyang dalawang magkapatid. Bumalik ulit sila sa bahay ng ermitanyo at tsaka ginamot nang ermitanyo ang mga sugat ni Don Juan at lahat ito ay biglang nawala.
Umalis na ang magkakapatid at naglakbay na pabalik sa Berbanya. Pero naisipan naman ni Don Pedro na bugbugin ang kaniyang kapatid at saka iiwan ng walang malay sa bundok at pumayag naman si Don Diego. Nalamog ang buong katawan ng prinsipe at dali dali naman na kinuha ng magkapatid ang hawla at saka bumalik sa Berbanya.
Nakabalik naman ang dalawang magkapatid sa Berbanya habang dala-dala ang hawla. Nagtaka naman ang hari kung nasaan ang bunsong kapatid ngunit sinabi ng dalawa na wala silang kaalam-alam. Nag-alala naman ang hari kung ano na ang nangyari sa prinsipe pero nang isang araw, nakabalik naman si Don Juan at ikinuwento ang lahat ng nangyari sa Hari. Nais naman na parusahan ang dalwang prinsipe ngunit itinutol naman ito ni Don Juan.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!