Okay listen class, next week na ang start ng traditional face to face classes natin. The school is encouraging us to attend the regular classes.
Hmm, handa na ba ako? Bakit feeling ko ayaw ko na mag face to face? Natatakot na ako lumabas ng bahay. Tumataas din ang mga panibagong kaso ng Covid. Nakakatakot.
Oh anak, kumusta ang klase mo? Bakit ka nakasimangot ha?
Next week na daw po kasi ang face to face classes namin, Ma. Kinakabahan po ako kasi tumataas ang kaso ng Covid sa bansa natin. Parang ayoko na din po mag face to face kasi sobrang dami po gastos tapos mahal mga bilihin ngayon.
Naiintidihan kita anak pero kalaunan ay babalik din sa normal ang lahat katulad nang dati. Normal ang makaramdam ng pangamba sa ganitong panahon at hindi kita masisisi kung nag-aalala ka. Nandito kami palagi ng iyong Papa para gabayan at suportahan ka, okay? Wag mo isipin ang mga gastusin anak, nag tatrabaho kami ng Ama mo para sayo at sa iyong kinabukasan.
Yes, Ma sasabihan ko po sila. Thank you din po sa pakikinig sa akin.
Basta kapag nag simula na ang face to face niyo next week, huwag mo kalilimutan ang mag ingat at sundin ang mga protokol ng school niyo, okay? Ikamusta mo din ako sa mga kaibigan mo, sabihan mo din sila na dumalaw naman dito.
Nakapapangamba ang ganitong panahon at hindi maiiwasan ang pag-aalala, ngunit sa kabilang banda ay nakasisiya na muling masilayan muli ang aking mga kaibigan at guro namin na ilang taon ko din namin hindi nakasama.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!