Si Ka Albina, ang kanyang anak na si Nati, at ang kanyang pamangkin na si Pilang ay patungo sa tubigan ng madaling araw pa lamang.
Habang naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.
Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong kay Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi.
Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli, Samantalang magaling ang kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.
Lumapit si Ore sa mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na naman sa pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang
Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore. Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-aararo ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!