Ngayon ay labing walo kana, may balak ka bang magparehistro upang maging botante sa darating na eleksiyon?
Hindi ko alam eh, hindi naman mahalaga ang iisang boto. Saka kapag naka upo na sila sa pwesto wala na silang paki-alam satin at ang kanilang pangako ay nanatili na lamang pangako
RICK
 tama! wala nagiging pagbabago sa ating bansa at lalo lamang naghihirap ang mga mahihirap
Napakahalaga ng bawat isang boto. Sa ating boto nakasalalay ang kinabukasan ng ating bayan. Sa ating boto nakasalalay ang kinabukasan ng ating susunod na henerasyon. Huwag nating ipagwalang bahala ang ating boto.
Siguro, pero mahirap ang pagpili ng magiging leader sapagkat kadalasan o karamihan sa mga kandidato ay pakitang tao lamang, at hindi mo alam ang tunay na hangarin
kaya kinakailangan ng pagsasaliksik ng Mabuti sa pamamagitanng pag-alam ng pinag-aralan, karanasan, at pagiging makatao o Makabayan. Hindilamang nakabase sa nagawa ng pamilya.
Salamat! at nalinawan ako. Ngayon ay buo na ang aking loob na magpa rehistro upang maging botante sa darating na eleksiyon.
Makikilahok ba kayo sa pagprotesta bukas? Magtitipon daw lahat ng mamamayan lalo na ang mga magsasaka.
Hindi, hindi naman ako naaapektuhan ng kanilang suliranin o pino-problema sa pangunahing pagkain
SIguro ngayon ay hindi, pero maaaring bukas o sa mga susunod na araw ay magkaroon tayo ng katulad na suliranin. Kaya kailangan natin makilahok sa mga ganitong Gawain.
Tama, upang malaman rin ng gobyerno kung ano ang opinyon ng mga tao kaya ginagawa ng mga mamamayan ang pagpoprotesta. Mabigyan ito ng mabilisan na aksyon.
Mabuti at nagkaroon ako ng katulad ninyong kaibigan na napapaliwanag ang aking mga maling na opinyon. Kung wala kayo, ay maaaring wala akong paki-alam sa nangyayari sa politika at mga tamang dapat gawin ng isang mamamayan.
Sa madaling salita, kailangan magtulong-tulong ng pamahalaan at mamamayan upang maisaayos ang mga suliranin ng bansa.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!