Ricerca

Unknown Story

Copia questo Storyboard
Unknown Story

Testo Storyboard

  • Basilio...
  • Ginoong Simoun...
  • Patuloy mong mahalin at ipaglaban ang iyong bayan...
  • Basilio, ikaw ang kabataang aming hinihintay!
  • Bago mamatay si Simoun, saktong pumasok si Basilio sa silid sapagkat hinahanap niya si Simoun at nais makausap si Padre Florentino. Nangumpisal si Basilio sa pari ukol sa mga nakaraang pangyayari at nagkaroon sila ng malalim na usapan ni Simoun.
  • Sinabi ni Simoun kay Basilio na ipagpatuloy niya ang mabuting gawain bilang estudyanteng nag-aaral ng medisina, at kasabay noon, patuloy siyang lumaban para sa pagbabago at magandang kinabukasan ng bayan, ngunit sa mas mabuting pamamaraan. Tinanggap nila na masama ang poot at paghihiganti na marahas ang pamamaraan.
  • PARA SA BAYAN!
  • Napaiyak si Padre Florentino at Basilio sa huling paghinga ni Simoun, at sinabi ng pari na si Basilio ang kabataang hinihintay niya na handang umaksyon para sa bayan. Napagtanto ng pari ang mga kasamaang umiiral sa mga prayle kagaya niya, at nakumbinse niya ang iilang prayle na maging mabuti.
  • Nagpatuloy si Basilio sa kanyang misyon at siya ay nakapagpatapos sa pag-aaral. Isa na siyang mahusay na manggagamot na minamahal ng lahat, at tinutulungan niya ang bayan sa iba't ibang paraan maliban sa panggagamot. Mula noon, hindi niya nakalimutan ang mga pag-uusap nila ni Simoun at ang sinabi ni Padre Florentino. Lumalim ang pag-ibig at malasakit ni Basilio sa bayan.
  • Napukaw ang damdamin ng mga kamag-aral at kaibigan ni Basilio tulad ni Isagani at Macaraig dahil sa mga mabubuting gawa niya. Nahimok ang kanilang puso na tumindig para sa mga inaapi, sa karapatan ng lahat, at sa kalayaan ng bansa, tulad ng ninanais ni Simoun.
  • Sa paglipas ng panahon, gumising ang kamalayang nasyonalismo sa bayan at maging sa buong bansa. Sa huli, nagkaroon ng mapayapang rebolusyon sa buong bansa laban sa masasamang opisyal at prayle, at sila ay natanggal sa pwesto. Nagtagumpay na ang bayan! Narito na ang pagbabagong inaasam ng lahat, at nagkaroon ang Pilipinas ng mabuti at tapat na gobyerno hanggang sa susunod na mga taon.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!
Storyboard That Family