Nagising ni Bulan ang mga tao upang sabihin sakanila na nakita niya ang Bakunawa, ngunit hindi nila pinaniwalaan si Bulan sapagkat siya ay laging nagsisinungaling.
Malungkot si Bulan sapagkat hindi siya pinaniniwalaan ng mga tao, at habang siya ay naka upo lamang ay biglang lumitaw ang Bakunawa at kumain nanaman ito ng isa pang buwan. Tumakbo si Bulan papunta sa Datu upang ipaalam na totoo ang Bakunawa.
Hindi siya pinaniwalaan ng datu noong una dahil nalaman niya na laging nagsisinungaling si Bulan, pero noong nakita ng lahat ang Bakunawa ay natakot sila at nalaman nila na hindi nga nagsisinungaling si Bulan na totoo ang Bakunawa
Silang lahat ay nagplano at nagtulong-tulungan upang matalo ang Bakunawa. Nagpatunog sila ng kung ano-anong bagay kagaya ng malaking gong.
Sa huli ay natalo nila ang bakunawa at sila ay nagdiwang para kay Bulan at para rin sa kanilang pagtutulungan upang mapigilan ang Bakunawa sa pagkain sa kanilang kaisa-isang buwan.
Mula noon ay hindi na muling nakita ang Bakunawa pero may panahon daw na tumutubo muli ang mga pak-pak nito at nakikita muli ito sa kalangitan. Tuwing mawawala ang buwan sa kalangitan ay sinasabing nagbalik na ang Bakunawa at nilulon muli nito ang buwan.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!