Ricerca

Panalangin ni Jedda

Copia questo Storyboard
Panalangin ni Jedda

Testo Storyboard

  • Si Jedda ay isang butihing lingkod ng simbahan. Madami syang sinalihan na organisasyon sa simbahan. Halos araw araw siya ay nandoon.
  • Ngunit isang araw, siya ay nagkaroon ng isang malubhang sakit at kinakailangan nyang maoperahan para matanggal ito. Labis na nalungkot ang pamilya ni Jedda sa nalaman. Wala silang pambayad sa mga gagastusin sa kanyang operasyon at sa ospital. Lubos na nagdasal ang buong pamilya ni Jedda para sa kanyang successful na operasyon.
  • Nabalitaan ng mga kaibigan at kasamahan ni Jedda sa simbahan ang nangyari sa kanya. At dahil sa sama samang pagdasal at sa likas na kabaitan ni Jedda at ng kanyang pamilya, maraming nagpaabot ng pinansyal na tulong para kay Jedda. Marami din ang nag alay ng dasal para sa kanyang operasyon.
  • Bumuti na ang kalagayan ni Jedda ilang linggo matapos ang kanyang operasyon. Binalita din ng kanyang doktor na maaari na syang makalabas ngunit kahit nasa bahay parin sya ay tuloy tuloy padin ang kanyang gamutan. Madali lang ang naging proseso ng paglabas ni Jedda sa hospital dahil nabayaran ng buo ang kanilang bill sa hospital.
  • Makalipas ang ilang buwan na gamutan ni Jedda ay tuluyan na siyang gumaling. Pinapayagan na sya ng ganyang doktor na bumalik sa kanyang dating mga nakagawiang mga gawain. Sobra ang naging tuwa ni Jedda at ng kanyang pamilya. 
  • Kinabukasan, agad syang nagtungo sa kanilang simbahan at nanalangin. Nagpasalamat sya sa paring naroon at sa Panginoon. Natutunan nyang dahil sa kanyang lubos na tiwala sa Panginoon, kahit anong pagsubok man ang kanyang kaharapin, basta kasama nya ang ating Panginoon, lahat ay makakaya nya.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!
Storyboard That Family