Ako po Ma'am? Di po ko sure diyan Ma'am. Ano baang kailangan kong gawin diyan?
Tinawag ako ng guro sa kanyang office at ipinaalam sa akin na ako daw ang sasali sa isang beauty pageant para sa Science Month. Siyempre, kinabahan ako dahil maliit lang ang tiwala ko sa aking sarili.
Helaena, may paparating na pageant ngayong Setyembre. Ikaw ang isasabak namin doon.
Bakit kaba kinakabahan Helaena? Eh, ang galing galing mo kaya, maganda ka, matalino din. Pumayag kana don!
Pagkatapos ng klase, nag-usap kami ni Andra, ang aking malapit na kaibigan. Sinabi ko sa kanya ang sinabi ng guro namin. Kinumbinse din niya ako. Dahil dito, nadagdagan ang katapangan na sumali.
Sus, kung makabigay ka naman ng puri sa akin. Pero sige na, susubukan ko. Sasabihin ko muna ito sa pamilya ko
Lalang, may papalapit daw na pageant para sa Science Month, gusto ni Teacher Felsie na ako ang isasali doon. Gusto kong sumali ngunit kung papayag din kayo.
Pumayag lahat ng miyembro ng pamilya kaya nagulat ako dahil akala ko hindi nila ako papayagan. Sinabihan nila ako na ipaalam ko ito sa gurp bukas sa paaralan.
Oo naman apo, siyempre, papayag ako. Malaki na oportunidad ito para sa'yo.
Teacher Felsie, payag na po ako. Sasali ako sa pageant. Tinanong ko na din pamilya ko diot, pumayag din sila.
Laking tuwa ng lahat ng guro nang marinig nila ito. Isinulat na din nila ang pangalan ko sa isang papel kasama ang mga pangalan ng sasali din galing sa iba't ibang paaralan.
Naku, salamat sa Dios. Sige2x, sasabihin ko na sa principal na pumayag ka na at para maisulat na din pangalan mo sa papel na ipapasa natin sa mga opisyales.
Nag-aral ako nang mabuti sa lahat ng naging leksyon namin sa Science para magsilbing gabay sa magiging sagot ko sa Q and A portion ng pageant. Nagsaliksik na din ako sa internet para sa mga posibleng maging tanong base sa tema ng paligsahan.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!