Walang tigil sa paghatak ang aninong subsob na palikyad-likyad na tumatalunton sa mga pilapil. Baku-bako ang lupang tinatapakan ng mga paang nangangatog sa pag-hakbang. Mula sa kunot na noo ay utay-utay na umanod ang ganggabutil na pawis. Lakad-takbo ang kanyang ginawa habang tinitiis ang pagka-ngalay ng mga kamay na bumibitbit sa konting butil ng bigas at ilang gamot. Kailangang makipag habulan siya sa oras ng bawat sandali ay mahalaga para sa kanya. Nag uumagping ang kanyang kalamnan habang nakikipag habulan sa papalubog na araw.
Isang araw pa bago mag amihan. Ilang sandali ay narinig nila ang mga yabag ng papalapit na mga paa na aali-aligid sa kanilang kubo. "Huwag kayong lalabas, ako ang bahala" ang sabing may pag-uutos."Pinanalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas"Nakita niya ang pananalim ng mata ng kaniyang kuya. "Hindi kami makakapayag, ang lupang ito ay sa amin, minana pa ng aking ama sa aming mga ninuno. Hindi kami aalis dito, magka matayan man tayo.Narinig niya ang mga kasa ng baril habang hinuhugot ng kanyang kuya Lito ang matalim na tabak. Umalingawngaw ang nakatutulig na mag putok, at sinundan ng iba pa.
Tatlong araw na ang nakararaan matapos tabunan ng lupang putikan ang bangkay ng kanyang kapatid ay hindi parin mahugot ang nasa itaaas habang sila ay nasa ibaba, dumaraing ang ama ng tinik sa naglalatang niyang dibdib alam niyang humahalakhak ay lalong naratay sa sakit bunga ng tinamong kasawian ng kanyang Kuya Lito.
Walang pakundangan niyang itinulak ang pinto. Na udlot siya sa kanyang nakita, ang kahabag-habag niyang ama.
Marahil ay ganoon din ang nararamdaman ng Kuya Lito niya noon. May bahid ng ngiti ang mga salitang binitawan ng kanyang Kuya Lito isang hapon noon habang kausab nito ang kanilang ama habang nakaratay sa kamang yari sa kawayan.
Kinabukasan ay di maalis ang pagkakapako ng kanyang paningin sa gilid ng kanyang kubo na kinaroroonan ng lumang araro. Sasapit din ang panahon siya'y magiging ama. Puma ilanlang sa kanyang balintataw ang mga katagang ibinulong sa kanya ng ama hanggang sa huling sandali.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!