Unang sabado ng hilingin ni Rebo na ipagdiwang ang kaniyang kaarawan kahit hindi pa iyon ang araw. Nararapat ito ang pinakamasayang sabado sa lahat, kaya ito ay maraming mga regalo at laruan lalong-lalo na ang Beyblade.
Ika-apat na Sabado
Samantala, pagdating ng Ikalawang Sabado si Rebo ay naki-bertdey naman. Pagkatapos ay naglaro ulit sila ng Beyblade kasama ang mga pinsan niya. Datapwat, unti-unti nang nanghihina si Rebo at bihira na lamang itong ngumiti. Ang buhok ni Rebo ay unti-unti na rin nalalagas.
Ikalimang Sabado
Tuluyan ng nakalbo si Rebo pagsapit ng Ikatlong Sabado. Nang araw na iyon, nangumbida ang tatay ni Rebo ng isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang wala itong bayad. Subalit si Rebo ay hindi man lang makangiti at makatawa. Kasiyahang unti-unti humina at nawawala.
Ika-anim na Sabado
Samantala, pagdating ng Ika-apat na Sabado ay mabilis na napawi ang lakas ni Rebo. Hindi niya na magawa maipasok ang pisi ng Beyblade at nadarama niya na din ang hingal o pagkapagod sa kaniyang pananalita.
Ikalimang Sabado, huling Sabado ng Pebrero at eksaktong katapusan. Saka, pumanaw si Rebo habang nasa bisig ng kaniyang ama ito.
Sa wakas, si Rebo ay payapang nahimlay ito ang huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal at minamahal niya. Wala na ang Beyblade, at ang may ari nito. Payapang nahimlay na si Rebo, sa lahat ng ito, hindi na siya makakadama pa ng sakit at paghihirap.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!