Ricerca

Unknown Story

Copia questo Storyboard
Unknown Story

Testo Storyboard

  • Pangako na gagawin ko ang lahat upang tumaas ang grado ko. Sa tamang paraan.
  • Tama! Sabay-sabay nating aabutin ang ating mga pangarap nang magkakasama. Sa tama at mabuting paraan.
  • Naiintindihan ko kayo. Pero sana naiintindihan niyo rin ‘yung gusto kong iparating. Alam niyo naman na panganay ako kaya lahat ng pressure e nasa akin. Kasi ako ‘yung unang anak sa pamilya namin kaya inaasahan nila na sa magandang unibersidad ako makakapag-aral.
  • Pero tama naman kayo. Tama lahat nang sinabi niyo. Na dapat sa tamang paraan ko gawin para malinis ‘yung konsensiya ko. Naisip ko rin ‘yung mga magiging kahihinatnan ng kilos na naisip ko kaya pasensya na. Talagang nalungkot lang ako at napanghinaan ng loob.
  • Oo naman, naiintindihan ka namin. Lagi ka naming iintindihin, Kieanne.
  • Tama, kaya sana e lagi tayong manindigan sa tama at totoo. Pangako, sabay-sabay tayong mag-aapply sa unibersidad na iyon.
  • At ikaw rin, Kieanne. Proud kami lagi sa’yo. Natupad mo ang mga pangarap mo. Sa tama at mabuting paraan.
  • Masaya ako na natupad natin ang mga pangarap natin. At tinupad rin natin ang mga pangako natin noon na sama-sama nating aabutin ang ating mga pangarap. Salamat sa mga aralin na naibahagi ninyo sa akin. Masaya ako na nagtagumpay ang bawat isa sa atin. Sa perpektong oras ng Diyos.
  • Limang taon ang nakalipas...
  • Ayos lang naman ako. Ikaw ba, Kenjie?
  • Kumusta? Medyo matagal-tagal na tayong hindi nagkita, lalo na at busy tayong tatlo?
  • Nasa mabuting kalagayan naman ako. Masaya ako na nagkita at nagkasama-sama ulit tayo.
  • Alam niyo, sobra talaga akong nagpapasalamat sa inyong dalawa. Kung hindi dahil sa inyo ay baka napatanggal ako sa eskwelahan natin noon. At proud na proud din ako sa inyo. Nabalitaan ko na naabot na ninyo ang inyong mga pangarap.
  • Wala iyon, Kieanne. Ayon naman talaga ang nararapat. Ang paninindigan lagi sa tama at totoo. At oo, naabot ko nga ang pangarap ko na para sa akin at sa pamilya ko.
  • Naabot ko rin nga ang mga pangarap ko noong bata ako. Sobrang proud sila mama. Salamat sa inyo at hindi tayo nag-iwanan at patuloy na buo ang ating grupo.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!
Storyboard That Family