Dahil sa bon fire may naalala ako sa ni ma'am Cha tungkol sa panahon ng paleolitiko
Tama ka dyan, dahil bato, apoy at kahoy ang gamiy nila noon.
Ang Paleolitiko ay ang panahon kung saan makikita/nakikita ang pagbabagong-anyo ng tao. Isa sa mga pinakamahalagang pangyayari dito ay ang pagdiskubre ng apoy. Ang mga tao sa Paleolitiko ay mga nomadiko, o walang permanenteng tirahan. Hinahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi: Mababa, Gitna at Itaas. Ang Panahon ng Mababang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbabago ng anyo ng tao. Dito nakita ang isa sa mga pinakamahalagang yugto ng tao na tawag ay Australopithecine. Sinasabi ang nahukay na si Lucy ay isang Australopithecine.
Ang Panahon ng Gitnang Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagkontrol ng mga Hominid sa kanilang kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula maihayag ng mga tao ng artistikong mga abilidad. Gumuguhit sila sa mga bato at pinipinta nila ang kanilang mga katawan. Ang Panahon ng Itaas na Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbuo ng kalinangan ng mga tao. Sa panahon ring ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Sa panahong ito nagbago ang mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao.
Sang ayon ako jan, naalala ko mga sinaunang tao noong panahon ng mestolitiko
Ang ganda naman ng tanawin dito, masarap din mangisda.
Ang salitang Mesolitiko ay binubuo ng mga salitang meso na ang ibig sabihin ay gitna at litiko na ang ibg sabihin ay ng bato. Kaya naman ang panahong Mesolitiko ay ang panahon sa gitna ng panahon ng lumang bato at bagong bato.
Narito ang ilang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang tao noong panahon ng Mesolitiko.Nagsimulang mag-alaga ng hayop ang mga tao gaya ng aso.Nagsimulang manirahan ng sama-sama at bumuo ng pangkat.
Oltre 40 milioni di storyboard creati
Nessun Download, Nessuna Carta di Credito e Nessun Accesso Necessario per Provare!