Ang ating ama ay ang haligi ng ating mga tahanan. Ang bawat ama ay matapang at malakas. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng malakas, matapang o matikas na tindig at itsura, sila rin ay may malambot na puso.
Ang ating ama ay masipag. Sila ay laging nagtatrabaho ng maiigi para sa amin, kahit sya ay pagod na. Sa lahat ng ginagawa nila ay sinisipagan nila at palagi nilang ginagawa ang mga bagay na kanilang makakaya.
Nariyan ang ating ama palagi sa tuwing tayo o ang ating pamilya ay malungkot o may problema. Nariyan sila upang tayo ay damayan sa kahit ano mang problema o pagsubok na kinakaharap natin.
Sa kahit ano mang pag-daanang problema o pagsubok ng pamilya, laging magkasamang haharapin ng ating ama at ina ang mga iyon. Dahil sa pamamagitan non, mas lalong mapapatatag ang pagsasama ng pamulya.
Kahit na minsan ay napapagalitan tayo ng ating ama, o kung hindi man natin makuha ang ating mga gusto, lagi nating tatandaan na mahal nila tayo, at kung napagalitan man nila tayo, gusto lang nila tayong itama, at kung di man nabili ang ating gusto, sana wag tayong magtampo. Dahil mahal nila tayo.
Kaya sana sa kanilang pagtanda, sila naman ang ating alagaan, isukli natin lahat ng kanilang pagsasakripisyo at pagsisipag para sa atin. At mahalin natin sila gaya ng pagmamahal nila sa atin.
Izveidoti vairāk nekā 40 miljoni scenāriju plānu
Lai Izmēģinātu, nav Nepieciešama Lejupielāde, nav Kredītkartes un nav Nepieciešama Pieteikšanās!