Naguluhan ang bata. Ayaw niyang isuot ang sapatos dahil nadama niya ang pagkasala sa hiniling niya sa ina ngunit hindi rin niya maaaring basta-basta nalang hindi suotin at iwanang naka-display na lalago lamang sa laki niya. Kaya binigay ng bata ang pares ng sapatos sa isang taong mas nangangailangan nito.
Bakit mo naman ginawa iyon? Alam kong lagi kitang sinasabihan na huwag magdamot ngunit kailan ko bang sinabi na ipamigay mo lahat ng ari-arian mo na hindi naman nanggaling sa pera mo? Oo galit ako na sayang lang ang pinaghirapan ko, pero higit sa lahat, nalulungkot ako dahil binili ko ang mga sapatos na iyon para sa iyo, para maging mas maginhawa ang buhay mo, at hindi para makita ko na ginagamit ng iba. Anak, sana maintindihan mo na mahigpit lang din ang pera natin. Huwag na huwag mo itong aaksayangin.
Nang malaman ito ng ina, pinagalitan niya ang bata.
Upang aliwin ang kaniyang ina, sinabi ng bata na magsisikap siya at pagbubutihin ang kanyang pag-aaral, bilang isang paraan ng pagbabalik sa kanyang mga magulang upang makapagpahinga rin ang kaniyang ina.
Gagawa ako ng paraan upang kumita ng sarili kong pera para makabili ako ng sarili kong sapatos. Tutulong pa nga ako sa mga gawaing bahay para lang maipagmalaki ninyo ako.
Izveidoti vairāk nekā 40 miljoni scenāriju plānu
Lai Izmēģinātu, nav Nepieciešama Lejupielāde, nav Kredītkartes un nav Nepieciešama Pieteikšanās!