Sa kalye Analoague ng Binundok, sa isang malaking bahay, nakitara si Don Santiago de los Santos, na higit na kilala bilang Kapitan Tiago. Kilala siya sa buong bayan dahil sa kanyang kayamanan, lalo't higit sa kanyang kabaitan. Isang gabi sa kanyang tahanan. 
Makikita si Tiya Isabel na nag-aabot ng sigarilyo at hitso sa mga dayuhang babae habang ang mga babaing Pilipina naman ay kusang humahalik sa kamay ng matandang babae. Narinig ni Tiya Isabel na tila may nabasag na pinggan at mabilis nang makapagsalita ng:
Hesusmaryosep! Maghintay lang kayo mga bulagsak!
Napakalaking handaan nito! Ano sa tingin mo?
Naturalmante! Si Don Santiago ay napakayaman, hindi niya aalalahanin pa ang gumasta ng labis.
Nahahati ang bulwagan ng bahay sa dalawa, sa isang banda, naroon ang mga kalalakihan at kababaihan. Nagkakasayahan sila habang nagpapalitan ng mga kuro-kuro at biruan. Saisang banda ay makikita sina Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Padre Sibula na kura ng Binundok, si Ginoong Laruja, at  si Tinyente Guevarra. Kumpara sa mas maraming mga nasa kabilang banda, mas maingay pa ang usapan ng apat na nabanggit. Pinakamaingay sa kanila ay si Padre Damaso.
Tch! Nakakayamot ang bansang ito! Ang masama pa, puro mga Indio ang nakatira dito! Ayoko sa mga Indio!
Magdahan-dahan ka naman sa pananalita mo, Padre Damaso. Nasa ilalim tayo ng bubong ng isang Indio. 
Tama siya, baka magdamdam si Kapitan Tiyago.
Naku! Huwag kayong mag-alala. Matagal nang hindi itinuturing ni Tiago ang sarili niya bilang Indio. Malayong-malayo na siya sa ganoong walang galang na tao.
Hay! Sigurado akong nagsayang ka lamang ng pera para makapunta ka dito! Wala kang ibang kakainin kundi Tinola sa mga handaan at hindi ka matutulog nang nasisiyahan
Sigurado naman hong hindi kasing saklap ng nangyari sainyo ang nangyari sa amin.
Izveidoti vairāk nekā 40 miljoni scenāriju plānu
Lai Izmēģinātu, nav Nepieciešama Lejupielāde, nav Kredītkartes un nav Nepieciešama Pieteikšanās!