Unknown Story

Izveidojiet Storyboard
Kopējiet šo stāstu tabulu
Unknown Story
Storyboard That

Izveidojiet savu Storyboard

Izmēģiniet to bez maksas!

Izveidojiet savu Storyboard

Izmēģiniet to bez maksas!

Montāžas Teksta

  • Noong pumasok ang pandemya sa bansa, sunod-sunod ang pag-aanunsiyo ng mga lockdown. Bawal ang lumabas, bawal rin ang makipagkita. Na sa loob lang ako parati ng aming bahay. Madalas ay nababagot ako sapagkat bukod sa mga gawaing bahay at pagbabasa, wala akong ibang ginagawa kundi ang magselpon at makipaglaro sa aking mga pusa. Nawili akong manood ng kung ano-ano sa internet. Natuto rin akong makipagkaibigan sa internet.Oo nga pala, dito rin nagsimula ang pagpasok ng new-normal learning. Ang online class.
  • Ellie: Teh, sa'n ka? na sa klase ka ba ngayon?Pam: oo, teh. Bakit? Ellie: May kwento sana ako, eh. Kaso baka nakakaabala.Pam: Go lang. Keri ko namang pagsabayin.
  • don't f*** with cats
  • Martes ng tanghali, ako ay may pasok. Sa google meet ginaganap ang aming klase. Kasalukuyang nagtuturo ang aming guro nang bigla kong marinig na tumunog ang notification ng aking facebook sa kabilang tab.
  • Nakalimutan ko pa lang ilog-out ang aking account. Mayroong nagchat; isang message mula sa internet friend kong si Ellie. May kwento raw siya.
  • Nawala ang atensiyon ko sa klase. Hindi ko napansin na hindi na pala ako nakikinig sa ipinapaliwanag ng aming guro. Naging abala ako sa paggawa ng PolWork.
  • Ellie: So, ayon nga. Nabalitaan ko na inatake kanina ng mga goons ng Ayala yung mga magsasaka sa Yulo. Sinunog yung ibang bahay, tapos pinaputukan pa sila. Ang daming sugatan. Kanina pa ako nagpapanic. Hindi ko alam kung paano ipapaklat..
  • Pam: Hala, e paano 'yan ngayon? nakagawa ka na ba ng prop? Ellie: Ayun nga e, hindi pa. Nagpapanic kasi talaga ako. Gusto ko sanang makisuyo sa'yo kung kaya mo. Ipakalat na rin sa mga taga ST ngayon.
  • Napaupo ako sa kama dahil sa lungkot at galit. Napahinga nang malalim at napaisip. Hindi ko namalayang ilang ulit na pala akong tinatawag ng aking guro.
  • Guro: Hello? Santiago? nanjan ka pa ba? Pakibasa at pakisagutan nung na sa number 3.
  • Bumalik ako bigla sa huwisyo ko at saka dali-daling nagtype sa comment box.
Izveidoti vairāk nekā 30 miljoni stāstu shēmu