Idagdag mo pa ang pagiging produktibo! Ang aktibong mamamayan ay dapat na nagtatrabaho nang maayos at nasa tamang paraan. Pinagbubuti niya ang anumang gawain sa abot ng kaniyang makakaya at may pagkukusa. Natatapos niya nang maayos ang mga gawain sa tamang oras. Ginagamit niya nang wasto ang bawat oras sa kapaki- pakinabang na gawain.
John at Anna, maaari niyo bang ipaliwanag muli saakin ang tinuro ng ating guro kanina? Yung mga pamamaraang maaaring gawin bilang bahagi ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko...
Sige ba! Walang problema, Miguel.
Una, ang pagiging makabayan. Ito ay ang pagpapanatili ng kabayanihan sa panahon ng kalamidad at mga suliranin at hamon na ating hinaharap. Gaya ng pagiging tapat sa republika ng Pilipinas, handang ipagtanggol ang estado, sinusunod ang saligang batas at iba pang mga batas ng Pilipinas, at nakikipagtulungan sa mga may kapangyarihan.
Ang pakikilahok na pansibiko o civic engagement/civic participation ay tumutukoy sa mga kolektibong gawain tungo sa paglutas ng mga isyung pampubliko.
Kasunod niyan ang pagiging makatao, diba?
Tama! Ang pagiging makatao ay ang paggalang, pagsaalang-alang, at  matugunan o protektahan ang karapatan ng bawat tao na dapat nating gawin bilang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko.
Kasunod naman niyan ay ang pagiging matatag, may lakas ng loob at tiwala sa sarili.  Nakatutulong ito sa pagiging mapagpunyagi, matiyaga at masikap. Kailangan ito para sa kakayahang harapin at pagtagumpayan ang anumang pagkabigo o paghihirap sa buhay.
Pang-huli naman ay ang pagiging makasandaigdigan.  Dapat na isinasaalang-alang natin ang kagalingan ng sariling bansa pati na ng sa mundo.
Pang-lima ay ang pag-tulong sa kapwa. Upang  ang lahat ay makapamuhay nang marangal, payapa at masagana. 
Walang anuman, Miguel!
Maraming salamat, John at Anna! Ngayon ay mas naliwanagan ako tungkol sa aralin na ito na pwede nating isabuhay sa ating pang-araw-araw.