Si Kuya Lito ang panganay sa dalawang magkapatid sya ay masipag sapagkat kahit ang init ng araw ay hindi nya pinapansin para lamang sa kinabukasan ng pamilya sapagkat ang kanyang ama ay may sakit at may bunsong kapatid sya na nag aalaga sa kanilang ama.
May bahid ng ngiti ang mga salitang binitiwan ng kanyang kuya Lito isang hapon noon habang kausap nito ang kanilang ama na nakaratay sa kamang yari sa kawayan.
Sana nga anak, harinawa nga.
Kaunting panahon na lamang at hindi na tayo magdaranas ng paglulukot ng tiyan at muling manunumbalik ang iyong lakas, Itay.
Isang araw ang dumating, may isang pangyayari na hindi inaasahan ang naganap. Nabaril si Lito at namatay.
Pinalalayas na kayo ni Don Miguel, tapos na ang inyong palabas.
At hindi rin nagtagal ay namayapa na rin ang kanyang ama ngunit bago ito pumanaw ay nagbigay muna ito ng mga mahahalagang paalala upang sya ay mas lalong magsumikap.
Anak, hindi na ako magtatagal. Simulang pagkabata ay hinangad namin ng iyong ina ang magandang kinabukasan ninyong magkapatid subalit ipinagkait ng tadhana sa atin. Wala tayong salapi at ang tanging maipamamana namin ay ang natitirang kapirasong lupang ito.
Huwag ka sanang mawawalan ng pag-asa, alalahanin mong ang tao ay nabubuhay sa daigdig ng pakikibaka. Ang gabi'y hindi mananatiling madilim sapagkat ito ay may kinabukasan, at pagbubukang liwayway, magiging maliwanag ang kapaligiran.
Mula nang pagkawala ng kanyang ama ay dala dala nya lagi ang mga huling habilin nito upang sya maging matatag pa sa hinarap.
Over 30 millioner storyboards laget
Ingen Nedlastinger, Ingen Kredittkort og Ingen Pålogging Nødvendig for å Prøve!