Xy, sigurado akong tanggap ka parin ng mga magulang mo, kahit ano pa ang iyong sekswalidad, tanggap ka nila
Tandaan mo Xy, ako na guro mo tanggap kita, at palagi mong tatandaan na hindi mali na naiiba ka sa kanila, 
Maam, natatakot po kasi ako  na sabihin ito sa mga magulang ko, kasi baka hindi nila ako matanggap
Tama si Maam, kailangan ko na talagang mag tapat kay mama at papa, hindi pwedeng habang buhay ko itatago ang tunay na ako
magandang hapon din anak, ayos ka lang ba anak? mukhang seryoso iyan anak ah? halika pasok ka na para makapag usap tayo
Magandang hapon po mama at papa, maari ko po ba kayong makausap?
Kamusta ka anak? may problema ba ang anak ko? huwag kang matakot sabihin saamin anak
oo nga anak, sabihin mo lang ang probblema mo saamin handa kaming makinig ng mama mo
ma...pa...bisexual po ako, patawad po, ayos lang po kung hindi nyo po  ako matanggap, patawad po
anak,  tahan na, wala kang dapat ipagpatawad, ang pagiging parte ng  LGBTQ ay hindi kasalanan
talaga po? hindi po kayo galit sakin? salamat po!
anak, tanggap ka parin namin kahit ano ang sekswalidad mo at hangang hanga ako sa katapangan mo
anak tandaan mo na kahit parte ka ng LGBTQ tao ka parin, na may karapatang magmahal at mahalin, tao parin naman kayo, dapat nirerespeto at iginagalang, kaya kahit ano nga ang iyong sekswalidad, mahal ka parin namin, ang importante ay mabuting tao ka anak, yan ang lagi mong tatandaan
anak, wala kang dapat ikatakot dahil malaya kang pumili kung sino ang gusto mong mahalin, babae man ito lalaki, bakla o tomboy
tatandaan ko po yan, mama, papa, mahal na mahal ko po kayo!
Over 30 millioner storyboards laget
Ingen Nedlastinger, Ingen Kredittkort og Ingen Pålogging Nødvendig for å Prøve!