Unknown Story Storyboard av 536dea65
Søk

Unknown Story

Kopier dette storyboardet
Unknown Story

Storyboard Tekst

  • May isang haring minamahal ng lahat sa kaniyang kaharian – si Haring Fernando. Lahat ng mga batas na kaniyang ginagawa ay sinusunod ng kaniyang nasasakupan. Ang kanilang pagmamahalan ng asawang si Reyna Valeriana ay nagbunga ng tatlong anak na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.
  • Isang gabi, nanaginip ang hari na pinatay si Don Juan ng dalawang tampalasang hindi naipakilala sa kaniyang panaginip. Nang nagising ang hari, dumapo ang isang malubhang sakit sa kaniya dulot ng pagkabagabag at lungkot na nadarama.
  • Noon din ay nag-utos ang kamahalang hanapin ang mahiwagang ibon. Bilang panganay, agad na tumalima si Don Pedro. Naglakbay siya patungong bundok Tabor; inakyat niya ang isang mataas na puno para hanapin ang ibon. Pagkababa, patay na ang kaniyang kabayo kaya naglakad na lamang siya.
  • Hindi naglaon ay narating din niya ang bundok Tabor. Naghanap siya nang naghanap hanggang siya ay nahapo at nakatulog sa tabi ng isang puno. Ilang sandali pa, dumating na ang Adarna. Nagsimula itong umawit ng napakagagandang himig.
  • Bago magpahinga ang ibon, nagbawas ito ng dumi. Sa kasamaang palad, tumama kay Don Pedro ang dumi ng ibon na nagdulot sa kaniya ng pagbabago bilang isang bato.
  • Sa katagalan ng paghihintay ng kaharian kay Don Pedro, sinundan na siya ng kapatid na si Don Diego. Tulad ng nakatatandang kapatid, narating din niya ang tirahan ng Adarna, ngunit hindi natagpuan ang mahiwagang ibon. Malaon nang paghihintay, dumating din ang Adarna. Nang akmang huhulihin na niya ito ay biglang umawit ang ibon. Sa ganda ng musikang hatid nito, nakatulog si Don Diego. Nang muling dumumi ang Adarna bago ito magpahinga, tumulo ang kaniyang dumi kay Don Diego at naging isang bato rin ang prinsipe.
  • Sa pag-aalalang may kung ano nang nangyari kina Don Pedro at Don Diego, lalong lumubha ang sakit ng hari. Tatlong taon nang hindi nagbabalik ang dalawa kaya ipinag-utos ng haring ipahanap na ang dalawa niyang anak. Habang naglalakbay, nananalangin siya kay Birheng Maria. Apat na buwan ang lumipas at narating ni Don Juan ang isang bundok. Sa itaas ng bundok, may nakita siyang isang ketongin.
Over 40 millioner storyboards laget
Ingen Nedlastinger, Ingen Kredittkort og Ingen Pålogging Nødvendig for å Prøve!
Storyboard That Family