Sinalakay ng Igorot ang ating tribu, lulusubin ko sila. Wag kang magalala dahil ako ay babalik agad.
Ang mag asawang Don Juan at Namongan ay nakatira sa Nalbuan. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ngunit kailangan umalis ni Don Juan upang lusubin ang mga Igorot na sumalakay sa kanilang tribu at pumatay sa kanyang mga tauhan.
Lysbilde: 3
2
Nasa kabundukan siya upang ayusin ang hindi pagkakaunawaan sa tribu ng mga Igorot.
Ina, nasan po ang aking ama?
Matatagalan po kaya siya sa kaniyang pagbabalik?
Hindi ko alam anak, ni hindi ko nga tiyak kung buhay oa ba siya.
Sa kasamaang palad ay hindi na nakabalik si Don Juan. Isinilang naman ni Namongan si Lam-ang. Kahit sanggol pa lamang si Lam-ang ay kinakitaan na ang bata ng kakaibang kapangyarihan at kakayahan dahil nakakapagsalita na siya. Siya na din ang nagpangalan sa kanya bilang Lam-ang.
Lysbilde: 4
3
Kailangan ko maipaghiganti ang aking ama!
Magiingat ka anak!
Nagpasiya si Lam-ang na hanapin ang nawawalang ama, bagaman siyam na buwan gulang pa lamang siya. Binata na rin siyang tingnan sa kaniyang anyo at nagtataglay na siya ng matipuno at malakas na katawan. Pinigilan siya ng kanyang ina pero hindi siya pumayag. Napanaginipan niya ang kanyang ama na pinugutan ng ulo ng mga Igorot. Naglakbay siya kasama ang kanyang mahiwagang tandang at aso.
Lysbilde: 5
4
Mabuti pa ay umuwi ka na lamang upang hindi ka matulad sa inyong ama!
Ipaghihiganti ko ang aking ama!
Dala din ni Lam-ang ang kaniyang talisman kaya mabilis niya nakita ang hinahanap. Nakita niya ang ulo ng ama sa isang haligi ng kawayan. Sinasabihan siya ng mga Igorot na umuwi na para di matulad sa ama ngunit siya ay desidido na maghinganti. Pinana siya ng mga Igorot ngunit natalo niya lahat ng mga ito gamit ang kaniyang itak pati ang kanilang pinuno.
Lysbilde: 6
5
Umalis ka na dito!
Hindi ako natatakot sayo!
Umuwi si Lam-ang ng matagumpay. Noon siya ay nasa hustong gulang na ay naisipan na niyang mag-asawa. Nais niya ligawan ang magandang babae na nangngangalang Ines Kanoyan mula sa bayan ng Kandon. Sa kanyang paglalakbay papunta sa Kandon ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Natalo niya ito dahil pinahipan niya ito sa hangin at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok.
Lysbilde: 7
6
Ines, ikaw ay nais kong pakasalan.
Papayag akong pakasalan ka kung matutumbasan mo ang aming kayamanan.
Dumating siya sa bahay ni Ines ngunit mahaba ang pila ng mga manliligaw nito. Inutusan niya na tumilaok ang mahiwagang manok at dahil doon ay gumuho ang bahay ni Ines. Namatay lahat ng mga manliligaw. Pinatahol naman niya ang mahiwagang aso at bumalik ang bahay nito sa dati. Tinanong niya si Ines kung gusto siyang pakasalan nito, ngunit sinabi ni Ines na dapat ay matumbasan niya ang yaman nila.
Lysbilde: 8
7
Nagmadaling umalis si Lam-ang ay nagtungo sa ina, doon ay inihanda niya ang isang malaking bangkang puno ng ginto, mga alahas at mamahaling kagamitan.
Lysbilde: 9
8
Paglipas ng isang linggo ay binalikan niya si Ines dala ang bigay-kaya kasama ang kaniyang Inang si Namongan upang mamanhikan. Natuwa ang mga magulang ni Ines Kanoyan.
Lysbilde: 10
9
Ipinagdiwang ng buong bayan ang maringal na kasal ni Lam-ang at Ines Kanoyan.
Lysbilde: 11
10
Bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Bayan ng Kandon, kailangan mo Lam-ang na manghuii ng isdang rarang.
Ako ay susunod at manghuhuli ng isdang rarang.
Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Bayan ng Kandon, kailangang maghuli ng mga asawang lalaki ng isdang rarang.
Lysbilde: 12
11
Papano ko kaya matatalo ang berkahan?
Alam ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya na hindi maganda, na siya ay makakain ng isang berkahan, uri ng isda na kabilang sa pamilya ng mga pating.
Lysbilde: 13
12
Tulad ng inaasahan sa pangitain niya, nangyari nga ito at siya ay namatay.
Lysbilde: 14
13
Hanapin at sisirin niyo ang mga buto ni Lam-ang sa ilalim ng dagat!
Labis ang kalungkutan ni Ines sa sinapit ng asawa. Ilang araw siyang nagdalamhati, kaya naman gumawa siya ng paraan. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang sa ilalim ng dagat.
Lysbilde: 15
14
Mga diyos at diyosa ako ay nagdadasal na ibalik ninyo sa akin si Lam-ang
Nakuha ang mga buto ni Lam-ang. Ibinalot niya ito sa kanyang saya at dinasalan ng dinasalan. Namanata siya gabi-gabi sa mga diyos at diyosa na tuparin ang kaniyang kahiligan.
Lysbilde: 16
15
Tiktilaok!
aw, aw!
Inikot-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso ang mga buto. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso.
Lysbilde: 17
16
Lam-ang!!!
Sa isang iglap ay naggalawan ang mga buto at unti-unting nabubuo ang kalansay hangang sa ito ay maging katawan.
Lysbilde: 18
17
Dininig ng mga diyos at dioyosa ang aking panalangin. Masayang masaya ako na nabuhay ka. Sobrang nalungkot ako ng mawala ka.
Maraming salamat sa inyong pagmamahal, pagdadasal at paghihintay. Hindi na tayo muli magkakahiwalay.
Lumitaw si Lam-ang na buhay na buhay at gaya ng dati ay taglay ang angking kakisigan nito. Dahil sa giting na pinakita ni Lam-ang at pagmamahal ni Ines, kahit kamatayan ay hindi sila mapaghihiwalay. Sila ay binigyan ng mga diyos ng walang katapusang buhay. Sila ay namuhay ng sagana kasama ng kanilang mga anak.
Over 40 millioner storyboards laget
Ingen Nedlastinger, Ingen Kredittkort og Ingen Pålogging Nødvendig for å Prøve!