Halina't tayo ay maghapunan nang sa ganun ay makapag pahinga na at maaga pa tayo bukas.
Opo Ma'
Hindi naman po sa ganun Papa
Rebecca napapansin ko palagi mo na lang inaatupag ang cellphone mo at tingin ko lumalayo na ang loob mo sa amin dahil diyan sa kaka-social media mo. Aba! Itigil mo na yan
Ma di ko naman po pinababayaan ang aking sarili lalo na pagdating sa aking pag-aaral.
Huwag puro yan ang hawak mo, marami ka pang ibang magagawa kahit dito sa bahay tulad ng pagtulong sa mga gawaing bahay at baka yan pa ang maging dahilan ng pagiging pabaya mo sa'yong pag-aaral huh!?
Anak kung maaari lang baka pwedeng tumigil ka muna sa paghawak ng gadgets at baka masira naman ang mga mata mo niyan.
•Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na sila upang matulog, Ngunit hindi pa rin nakinig si Rebecca sa kanyang magulang na tigilan na muna ang kaka-cellphone at nagpatuloy pa rin ito sa kanyang ginagawa hanggang sa hindi niya na namalayan na sobrang lalim na ng gabi at ng narealize niya ito ay natulog na rin siya dahil maaga pa ito bukas sa klase.
~Kinaumagahan….~•Halos malate na ng gising si Rebecca dahil sa pagpupuyat niya kagabi at mabuti na lamang ay narinig niya ang tunog ng kanyang alarm clock na katabi mismo ng kanyang unan.
•Mabilis itong nag-handa at nag-ayos ng sarili upang makapasok na sa eskwelahan at hindi ito mahuli sa unang subject nila sa klase.
Over 40 millioner storyboards laget
Ingen Nedlastinger, Ingen Kredittkort og Ingen Pålogging Nødvendig for å Prøve!