Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos. Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang may pagkakamali kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi.
PAGLISAN (THINGS FALL APART)
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.
PAGLISAN (THINGS FALL APART)
Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri
PAGLISAN (THINGS FALL APART)
Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito.
Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.
Salamat sa inyong pag tanggap sa akin
Nagagalak kami sa iyong pag dating okonkwo
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia.
Over 40 millioner storyboards laget
Ingen Nedlastinger, Ingen Kredittkort og Ingen Pålogging Nødvendig for å Prøve!