Unknown Story Snemalna Knjiga, ki 30da028b
Iskanje

Unknown Story

Kopirajte to snemalno knjigo
Unknown Story

Snemalna Knjiga Besedilo

  • Si Mathilde ay isang babae na hindi makuntento sa kanyang buhay. "Sana ay nakapag-asawa ko ng mayaman" ayan ang lagi nyang sinasabi. Isang araw umuwi ang kanyang asawa na nakangiti at may dalang imbitasyon para sa isang malaking kaganapan. Imbes na matuwa si Mathilde ay labis pa itong nagalit dahil wala siyang masusuot,ngunit ang sabi ng kanyang asawa ay bibilhan siya neto.
  • Ngunit hindi natuwa si Mathilde dahil wala raw siyang masusuot na alahas. Isang araw ay pinahiram siya ng kaibigan niya ng isang kwintas. Malaki ang pasasalamat niya dito. Ngunit bago siya umalis ay may sinabi ang kanyang kaibigan, "Ang kwintas na yan ay nagsisimbolo ng kayamanan ang karang-yaan, sana ay may matutunan ka". Kahit nagtataka ay tumango nalang si Mathilde bago umalis.
  • Pagkarating nila Mathilde at ng kanyang asawa sa kaganapan ay hindi maitago ni Mathilde ang kanyang saya. Siya ay sumayaw nang sumayaw hanggang siya ay mapagod. Marami din siyang nakilala sa kaganapan na iyon. Ito ang pinapangarap na buhay ni Mathilde. Para sakanya, ito ang pinakamasayang araw niya. Masaya naman ang asawa niya para sakanya.
  • Nang sila ay maka-uwi, hindi parin matanggal ang ngiti sa labi ni Mathilde. Tumingin si Mathilde sa salamin upang pagmasdan ang kanyang sarili. Laking gulat niya nang makita na wala na siyang kwintas. Nawala niya ang kwintas! Aligagang aligaga siya upang hanapin ang kwintas ngunit hindi niya makita. Napayakap siya sa kanyang asawa dahil nahihiya siyang harapin ang kaibigan niya.
  • Ipinagtapat niya ang nangyari at nangako na babayaran niya ito sa susunod na buwan. Ngumiti naman sakanya ang kanyang kaibigan at hinawakan ang kanyang kamay. "Ang kwintas ay nagsisimbolo ng kayamanan. Nasasaktan mo ng lubos ang iyong asawa. Masyado kang nalulong sa kayamanan na nawawala naman, at dahil sa pagkawala neto ay nagdaramdam ka. Hindi mo kailangan bayarana ng kwintas, ang gusto ko lang ay baguhin mo ang pananaw mo sa buhay" saad ng kaibigan niya bago siya yakapin.
  • Nang maka-uwi si Mathilde sa kanyang bahay ay sinalubong siya ng kanyang asawa at tinanong, "Kamusta, mahal?". Hindi sumagot si Mathilde at naglakad lamang papalapit sakanya at niyakap ng mahigpit. Kuntento na si mathilde, tama ang kanyang kaibigan.
Ustvarjenih več kot 40 milijonov zgodboknjig
Brez Prenosov, Brez Kreditne Kartice in Brez Prijave!
Storyboard That Družina