Nagtawanan ang mga mapang-aping mag-aaral kaya nagsalita si Raquel.
Kasalanan ba naming wala kaming pinagdadaanan dahil may pera ang aming mga magulang? Kaya hindi na namin kailangan magtrabaho o kaya’y bumili ng nakadidiring damit.
Kung makahusga kayo sa amin, parang alam nyo ang aming pinagdadaanan. Hindi ba pwedeng pabayaan nyo na kami? At magpatuloy kayo sa inyong buhay ng hindi kami sinasagabal?
Hindi na sumagot pa si Raquel at sumakay ng sasakyan ang mga nang-api upang magtungo sa kanilang destinasyon. Bumalik sa pamimili si Raquel at isang paruparo ang dumapo sa kanyang kamay. Sakit ng puso, patak ng luha, at alaalang nabaon sa kanyang puso’t isipan. Siya ay napahinto nang bigla niyang naramdaman ang sakit ng nakaraan.
Nagsusuka, nanginginig, namumutla, nakahiga na may manipis na katawan na nakabaon sa kanyang guwang na pisngi, at tumutulo ang luha sa hirap. Yan ang huling alaala ni Raquel sa kanyang pumanaw na ina. Isang paruparo ang dumapo nang inilibing ang kanyang ina. Ang kanyang ama nama’y sumama na sa iba kaya siya ang nagisilbing ilaw at haligi ng tahanan upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga kapatid. Iyan ang istorya sa likod ng taong nagtitiyaga sa pagtatrabaho at bumibili lamang sa ukay-ukay na inaapi ng mga taong walang ka alam-alam sa sitwasyon ng iba.
Ilang araw ang nakalipas ay nagkita-kita muli sina Raquel at Kristina para kumain sa karinderya upang pag-usapan ang paparating nilang exam bukas, at pati na rin yung nangyari kahapon. Pagkatapos nilang ubusin ang kanilang pagkain, ay agad inunahan ni Raquel ang pag-uusap.
Kinakabahan talaga ako sa exam natin bukas, ang dami pa naman nating dapat pag-aralan. Dumagdag pa sa problema yung mga matapobre nating kaklase, hays.
Oo nga eh. Pero Raquel, tama naman sila eh. Nakakahiya talagang bumili ng mga ukay-ukay na damit, at tsaka kasalanan din naman natin kung bakit nila tayo inaasar. Tingnan mo nga ba naman, halos wala tayong ibang ginagawa kundi mag-aral at tipirin ang sarili natin sa paggastos. Medyo nakakasakal na din eh, ay basta!
Nagulat at medyo nasaktan si Raquel sa sinabi ng inaakala niyang matalik niyang kaibigan. Nagtataka si Raquel kung may mali ba siyang ginawa kung bakit iyon nasabi ni Kristina. Siya ay nasa bingit na ng pag-iyak at tatanungin niya sana ang ibig niyang sabihin nang biglang tumunog ang selpon ni Kristina. Agad naman niya itong sinagot nang naka loud speaker.
Hello?
Hello, Kristina! Napatawag ako kasi pupunta kami ng mga kaibigan ko sa isang party, gusto mo bang sumama? Alam mo, pagkakataon mo na ito para maging sikat na katulad namin! Kung tatanggi ka eh, kawalan mo na yun. Ano, g ba?
Talaga? Pero nahihiya ako..
Ustvarjenih več kot 40 milijonov zgodboknjig
Brez Prenosov, Brez Kreditne Kartice in Brez Prijave!