Iskanje

Ibong Adarna (Kabanata 11 - Buod)

Kopirajte to snemalno knjigo
Ibong Adarna (Kabanata 11 - Buod)

Snemalna Knjiga Besedilo

  • Naiwang pagapang-gapang ang kabahag-bahag na prinsipe. Namamaga ang kaniyang buong katawan, may pilay ang tadyang, at mamamatay na sa gutom at uhaw. Wala siyang ibang magawa kundi ang manalangin sa Mahal na Birhen, na nawa ay humaba pa ang buhay at gumaling ang kaniyang amang may sakit.
  • O Birheng Inang Marilag, tanggulan ng nasa hirap, kahabagan 'di man dapat ang aliping kapus- palad. Kung wala mang kapalarang, humaba pa yaring buhay, loobin mo Inang Mahal, ang ama ko ang mabuhay.
  • Hindi parin siya makapaniwala na nagtaksil sa kaniya ang dalawang prinsipe, handa naman niyang ibigay ang ibon sa kanila kung iyon ang kanilang ibig. Sa gitna ng kaniyang paghihirap ay sinariwa niya ang Berbanya at ang inang reyna dahil sa labis na pananabik.
  • O ina kong mapagmahal, kung ngayon mo namasdan ang bunso mong si Don Juan malabis kang magdaramdam. Katawan ko ay bugbog na at sa sugat ay natadtad pa, ako kaya'y may pag-asang ikaw'y muli kong makita?
  • Nang magbawas na ang kirot bahagyang nakakilos sa luha rin at himutok inaliw ang madlang lungkot. Muli siyang nanalangin sa Mahal na Birhen, luha'y agos ang kahambing sa matang nangungulimlim.
  • Diyos nga'y di natutulog at ang tao'y sinusubok, ang salari'y sinusunog! Ang banal kinukupkop! Maging isang katunayan ng ganitong kasabihan, ang pagdinig sa matamang pagdalangin ni Don Juan.
Ustvarjenih več kot 30 milijonov snemalnih knjig
Brez Prenosov, Brez Kreditne Kartice in Brez Prijave!
Storyboard That Družina