Unknown Story Snemalna Knjiga, ki 710bd9ab
Iskanje

Unknown Story

Kopirajte to snemalno knjigo
Unknown Story

Snemalna Knjiga Besedilo

  • Sandaang Damit
  • ...
  • Sandaang Damit
  • Sandaang Damit
  • Naging mahaba ang kaniyang pagkukuwento. Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kaniyang sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya sa pagtitipon. Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak at makikislap na rosas at puting abaloryo.
  • Sandaang Damit
  • Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging tagapagsalita at sila naman ang kaniyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kaniyang pagkamahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kaniyang pamamayat kahit ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich.
  • Sandaang Damit
  • Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kaniyang mga kaklase at guro.
  • Sandaang Damit
  • Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang#160;natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng payat.
  • Pinatuloy#160;sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang#160;marangyang kasangkapan.#160;
  • At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon nakaratayang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras.
Ustvarjenih več kot 40 milijonov zgodboknjig
Brez Prenosov, Brez Kreditne Kartice in Brez Prijave!
Storyboard That Družina