Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. May malawak na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop ang Hilagang Asya bagamat dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay. Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito.
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa Timog Asya. Palay ang pangunahing produkto rito bagama’t may mga taniman din ng trigo, jute, tubo, at mga gulay.
Sa Timog-Silangang Asya, nasa mga lupain ng Myanmar at Brunei ang malalawak na kagubatan. Tinatayang nasa 84% ng kagubatan sa Brunei ang nagsisilbing panirahan ng iba’t ibang uri ng unggoy, ibon at reptile.
Kabilang ang mga bansang China, North Korea at Tibet sa Silangang Asya na mayaman sa depositong mineral. Nasa China ang pinakamalaking reserba ng antimony, magnesium, at tungsten sa buong daigdig, gayundin ang reserba ng karbon dito na isa sa mga pinakamalaki sa buong daigdig.
Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral partikular na sa langis at petrolyo. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong daigdig ang Saudi Arabia, at malaki rin ang produksiyon ng langis ng mga bansang Iran, Iraq, United Arab Emirates (UAE), Kuwait at Oman.
Ustvarjenih več kot 40 milijonov zgodboknjig
Brez Prenosov, Brez Kreditne Kartice in Brez Prijave!