Si Francisco Dagohoy ay dating cabeza de barangay. Pinamunuan niya ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol noong 1744-1829 sa Bohol.
Pinatawag ni Padre Gaspar Morales si Sagarino para ipahuli ang isang pugante.
Hulihin mo siya dahil isa na siyang erehe.
Masusunod po, Padre.
Namatay ang kapatid ni Dagohoy dahil lumaban ang pugante. Dinala ni Dagohoy ang bangkay ng kanyang kapatid sa simbahan.
Padre, narito po ako para pabasbasan ang aking kapatid.
Hindi ko siya maaaring basbasan sapagkat namatay siya sa isang duwelo.
Dahil sa hindi pagbabasbas sa kanyang kapatid, sumama ang loob ni Dagohoy na nagpabugso sa kanyang damdamin para mag-alsa laban sa mga Espanyol.
Tanggalin ang bandala!
Alisin ang polo y servicio!
Ibaba ang buwis!
Oo, lumaban tayo para sa ating bayan!
Panahon na para tayo ay lumaban!
Nilabanan nila ang mga Espanyol at sinalakay ang mga simbahan at hacienda. Napatay rin nila si Gaspar Morales, ang paring Espanyol na hindi nagbasbas sa kanyang kapatid.
Naging matagumpay ang kanilang pakikipaglaban. Nakapagtatag si Dagohoy ng Unang Republika sa Bohol na nagpalaya sa mga Boholano at tumagal ng halos 85 taon.
Malaya na tayong mga taga-Bohol sa mga mapang-abusong Espanyol!
Ustvarjenih več kot 40 milijonov zgodboknjig
Brez Prenosov, Brez Kreditne Kartice in Brez Prijave!