Unknown Story Snemalna Knjiga, ki jillian69463
Iskanje

Unknown Story

Kopirajte to snemalno knjigo
Unknown Story

Snemalna Knjiga Besedilo

  • Kain na tayo anak!
  • Sa isang malayong lalawigan, nakatira ang mag-inang si Aling Rosa at si Pina. Si Rosa ay isang balo at mahal na mahal niya ang kanyang nag-iisang anak. Sapagkat wala ng ama, naisip ni Aling Rosa na ang pagpapalaki sa layaw ng anak ay makakabuti sa pag-uugali nito, doon nagkamali si aling Rosa.
  • saan na kaya naroroon ang sandok?
  • Sapagkat nasanay si Pina sa laging pagsandal sa kanya. Hindi gumagawa ng anumang bagay si Pina, na di kinikulsuta sa ina. Lagi at laging si Aling Rosa ang gumagawa sa mga gawaing bahay.
  • Inay, hindi ko po makita ang sandok.
  • Wala naman dito.Inay, wala po talaga ako makitang sandok, kanina pa po ako hanap ng hanap eh, talagang wala.
  • Hanapin mo, naririyan lamang yan.
  • Hay nako! lagi ka nalang wala, "hindi ko po nakita" mahirap bang maghanap? Wala ka na bang alam kundi matulog, kumain at magpahinga? Pina, magkaroon ka naman sana ng maraming mata. Hindi bibig ginagamit sa paghahanap, kundi mata Pina mata!
  • Hanapin mong mabuti, andiyan lamang yan.
  • Isang araw ay dinapuan ng sakit si Aling Rosa, kinailangan niyang magpahinga kaya napilitan si Pina na gumawa ng mga gawaing bahay. Tumagal ang sakit ni Aling Rosa, nagrereklamo na si Pina na pagog na pagod na raw ito sa paglilingkod sa kanyang ina.
  • Isang umaga, ay magluluto sana si Pina ngunit hindi niya makita ang sandok. Hanap siya ng hanap pero di niya talaga ito makita.
  • Pagkatapos pagsabihan ni Aling Rosa si Pina, lumabas siya sa kwarto upang muling hanapin ang nawawalang sandok.
  • Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik pa. Hinanap ng ina si Pina ngunit wala siyang nakita kahit anino man lang ng dalagita. Lumipas ang mga araw, habang nakatingin si Aling Rosa sa labas ng bintana ay may nakita siyang kakaibang halaman sa kanyang bakuran. Ang halamang iyon ay may maraming tinik, at sa gitna ng mga dahon ay may bungang malaki tila may korona sa ibabaw. Ang bunga ay parang may isang ulo na may maraming mata at naalala niya ang sinabi niya sa kanyang anak bago ito mawala.Pinangalan niya itong "Pinya" alinsunod sa pangalan ng kanyang anak na si Pina.
Ustvarjenih več kot 40 milijonov zgodboknjig
Brez Prenosov, Brez Kreditne Kartice in Brez Prijave!
Storyboard That Družina