Hapon ng biyernes, abala ang pamilya Milambilin sa kanilang sari-sariling gawain. Tahimik lamang na naglalaro si Miller ng selpon sa kuwarto nilang magkakapatid nang bigla nalang siyang nakarinig ng bangayan ng kaniyang magulang.
Paulit-ulit mo nalang binabalik pagkakamali ko noon!
Kita kong kinakausap mo pa rin 'yung dati mong kasintahan. Hindi mo man lang ba naisip na may pamilya na kayo pareho?
Anong pinagsasabi mo? Hindi mo ba nakikita na ako na nga umaako lahat ng gawain dito sa bahay. Ayan ka na naman, hindi mo iniisip mararamdaman ng ibang tao!
Halos dalawang taon akong nagkasakit at anong ginagawa mo habang may sakit ako? Hindi ba'y nag-uusap kayo? Para ngang hinihintay niyo nalang na mawala ako!
Hindi napigilan mapaiyak ni Miller dahil sa sitwasyon. Mahigit isang taon na rin ang lumipas nang mangyari ang ganitong sitwasyon sa kanilang pamilya. Kung kaya'y napapaisip siya kung tuwing sasapit nalang ba ang panibagong taon sa kanilang buhay ay lalala nang lalala ang kalagayan ng kaniyang pamilya.
Lagi nalang bang ganito ang mga mangyayari sa amin? Nawawalan na ako ng pag-asa na bumalik pa sa dati ang aming kalagayan..