Anak, tutulak na kami ng papa mo, hindi ka ba talaga sasama? Matagal ka nang lumiliban sa pagbisita ng lola mo, hinahanap—
Hindi nga sabi ako sasama! May gagawin pa akong higit na mahalaga kaysa diyan!
Ewan ko ba sa batang iyon, nalilimutan na niyang paglaanan ang oras ng kanyang sariling pamilya.
Ano ba ang pinagkaka-abalahan ng ating anak at bakit mas inuuna niya pa ito gayong nangangailangan na ni Mama ng kalinga sapagkat lumulubha na ang kanyang karamdaman.
Hay naku! Pwede namang ipagliban iyon, tsaka, may marami pa namang pagkakataon
Nagpapakasasa ang magkakaibigan sa kanilang gala at patuloy na sinasayang ang bawat oras na lumilipas.
Mabuti naman at sumama ka sa lakad ko ngayon! Hindi ba't sa tuwing Sabado ay binibisita ng pamilya niyo ang Lola mo?
Dumiretso ang magasawa sa ospital sapagkat isinugod na si Lola Nida sa emergency room sa biglaang pagtindi ng karamdaman nito
Magandang Umaga rin po Ma'am! Dumaan po kayo roon sa kaliwa sa ikatlong silid po.
Magandang Umaga! Saang silid po ba nagpapahinga ang aking ina? Nida Agero po.