Kinabukasan ay pagdating ni Mica sa paaralan ay nakita niya ang galit niyang guro at kaniyang kaklase. Siya ay natakot baka nalaman nila ang masamang ginawa niya.
Nakita siyang kumopya kahapon ng isa sa kaniyang mga kaklase at agad siyang sinumbong sa kanilang guro.
Bakit mo kinopya ang mga sagot ni Ken? Ipapatawag ko ang iyong mga magulang!
Patawad po sa inyong lahat lalo na kay Ken. Hindi ko na po ito uulitin at mag-aaral na po ako ng mabuti.
Pinatawad na siya ng kaniyang magulang, guro at mga kaklase dahil siya ay nangako na hindi na niya ito gagawing muli at magsisikap na siya sa pag-aaral. Hindi na niya ginawa pa itong muli at naging leksiyon ito sa kaniya na dapat ay mag-isip mura siya bago gumawa ng isang desisyon dahil ito ang makakapahamak sa kaniya.
WAKAS
Kaya kayong mga kabataan, sana ay pag-isipan niyo munang mabuti ang mga desisyong pipiliin niyo dahil baka ito ay may masamang epekto sa iyo at sa iyong kapwa. Tandaan na ang pagiging mapanagutan ay isa sa mga pinakamahalagang pagkakakilanlan ng tunay na pagkatao. Ang hindi pagiging mapanagutan sa ginawang kilos ay nagbubunga ng masama
Dapat piliin niyo ang mga mabuting kilos tulad ng tumulong sa iyong kapwa at huwag magsinungaling dahil ito ay may mabuting epekto hindi lang sa iyo kundi sa iyo ring kapwa. Iwasan ang mga masamang kilos dahil ito ang nagdadala sa atin sa kapahamakan.
Sana'y may nakuha kayong aral. Maraming salamat po!