Napakadumi ng ating paligid dahil hindi sinusunod ng mga tao ang tamang paraan ng pagtatapon ng basura.
Oo nga tayo nalang ang magtulungan upang luminis ang kapaligiran.
Oo tama dahil kung hindi tayo kikilos baka matulad tayo sa ibang lugar na binaha dahil hindi dumaloy ng maayos ang tubig na dala ng malakas ng ulan dahil sa mga nakabarang basura.
Sige magandang ideya yan
Kuya tignan mo sila ay nagllinis tara at tulungan natin sila.
Pagkatapos nila maglinis ay nagkaroon ng ulan ngunit sila ay masaya parin dahil ang paligid nila ay malinis na at walang basura na maaaring magbara sa mga daluyan ng tubig.
Nang napansin ng bunso na nagllinis ang tatlong magkaibigan siya ay may naisip ng idea na tumulong sila ng kanyang kuya upang mas bumilis pa ang pagllinis. Ang pakikipag-kapwa tao ay mahalaga dahil magkakaroon tayo ng relasyon na pagkakatulungan. Nakasalalay ang pakikipag-kapwa tao sa kakayahan ng taong ibahagi ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paggalang, pagmamalasakit at pagtulong o pagbabayanihan. Mahalaga ang pagbabayanihan at pakikipag-kapwa tao sapagkat nagkakaroon ito ng positibong dulot na makakabuti para sa lahat at nagkakaroon din ng magandang relasyon sa isa't- isa.