Magandang umaga, mga bata. Tatalakayin natin muli ang ating napag-aralan noong isang araw. Sino ang gustong magsimula?
Ang pamilihan po ay ang lugar kung saan ang mamimili at nagtitinda ay nagkakaroon ng interaksyon.
Tinalakay po natin ang kaugnayan ng demand at supply at kung paano ito humahantong sa tinatawag na equilibrium.
Ang pwersa ng pamilihan ay tumutukoy po sa ugnayan ng supply at demand. Kung mataas ang presyo ng kalakal, tumataas ang supply na siyang nagiging dahilan ng pagbaba ng presyo.
Mahusay! Anu-ano ang mga uri ng interaksyon ng demand at supply? Ipaliwanag ang bawat isa.
Ang ekwilibriyo po ay ang sitwasyon kung saan pantay ang dami ng supply at dami ng demand.
Tama! At malaki ang gampanin ng presyo sa relasyon ng demand at supply. Ang presyo rin ay isa sa mahalagang bagay na maaaring makaapekto sa pagkakaroon ng tinatawag nating surplus at shortage Ito nga ay tinatawag na invisible hand ayon kay Adam Smith. At upang magkaroon ng solusyon dito ang pamahalan ay nagtatakda ng presyo sa pamilihan sa pamamagitan ng price ceiling at price floor?
Ang price ceiling ay itinatakda ng pamahalaan ang pinakamataas na presyong maaaring ibenta ang produkto at ang ang price floor naman ay ang pinakamababang presyong maaaring ibenta ang isang produkto.