Isang araw, sa isla ng Sulu, may isang lalaking isinilang na nagngangalang si Kuat. Siya ang hinihintay na propesiya na magpapatalsik sa sakim na si Datu Tamak
Napatunayang siya ang ihinihintay na propesiya sa ipinakita ni Kuat. Ang bagong silang na si Kuat ay biglaang lumaki bilang isang lalaki na magiting at malakas.
Kumalat ang balitang ito sa buong isla. Wala silang ibang nagawa kundi mag diwang hanggang sa di na nila kaya dahil dumating na nga ang itinakdang magpapatalsik sa Datu.
Kung gaano kabilis kumalat ang balita sa isla, ganoon rin bilis nalaman ng Datu ang nakakagulantang na balita. Alam rin niya ang kumakalat na propesiya kung kaya't siya takot na takot hanggang sa nakaisip siya ng mga paraan para mapabagsak kaagad ang nasabing magpapatalsik sa kaniya.
Pinapunta ni Datu Tamak si Kuat sa kaniyang palasyo ng may siglang diwa na nararamdaman. Galit si Kuat sa Datu na si Datung Tamak dahil nalaman nito ang kasamaang kaniyang ginawa. Pero isinantabi ni Kuat ang kaniyang nararamdaman at nakipag usap kay Datu Tamak.
IKAW ANG DATU!?
Kumusta Kuat?
Ang kanilang pinagusapan ay umabot ng 2 araw hanggang sa sinabi na ng Datu ang kaniyang motibo o ang kaniyang plano. Sinabi ng Datu na ipapatalsik niya mismo ang kaniyang sarili bilang isang Datu kung magagawa ni Kuat ang 4 na misyon o hamon ng Datu ng mag isa. Pumayag si Kuat sa nasabing alok ng Datu. Ngumiti ng masama ang Datu. Halatang may tiwala si Datu Tamak sa kaniyang plano.
Pumapayag ako sa hamon mo!
Sige! Bumalik ka dito pag natapos mo na ang unang hamon para malaman mo ang susunod!