Search
  • Search
  • My Storyboards

Tahanan

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Tahanan
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Mahal, ano naman ang gagawin natin?
  • Matulog na muna tayo, puyat tayo dahil sa kanonood natin at kalalaro. Mamaya na lang tayo kumain pagkagising
  • Mahal, dumito na muna tayo sa bahay, maglinis tayo at pilitin nating iwasan ang paglabas dahil nakita ko rin sa social media na maraming nagkakasakit
  • Ayoko namang magkasakit! mas mahirap yon. Tama ka nga, dumito na muna tayo at alagaan na lang natin si Mabi.
  • May magkasintahan na hindi mapakali sakanilang tahanan. Nabalitaan nilang mahirap na namang makagala uli dahil sa banta ng omicron variant. Sila'y kilala bilang magkasintahan na hindi kayang pumirmi sakanilang tahanan. Kung wala sila sa bahay ay malamang nasa galaan sila o kaya nama'y bumibisita sakanilang magulang at mga kaibigan.
  • Jav, halika! mag-exercise tayo. Matagal na rin akong di nakakapag-eherisyo.
  • Susuportahan na lang kita! tinatamad ako, mahal
  • Napagpasyahan nga ng magkasintahan na matulog na muna. Mahimbing na natutulog ang dalawa at ninanamnam ang kanilang pahinga mula sa kanilang pagpupuyat. Inabot hanggang gabi ang kanilang tulog at pinilit na nilang bumangon para kumain.
  • Habang kumakain ay nagu-usap ang dalawa sa mga plano nilang gawin. Naging maayos naman ang daloy ng usapan kaya't hindi sila nahirapang magkasundo. Gusto na rin nilang makaiwas na mahawa sa sakit at alagaan na lang ang alaga nilang aso.
  • Hindi naman ako magsasawang samahan ka kahit saan, Rina. Paano kita maiiwan kung ikaw naman na mismo ang aking tahanan.
  • Masaya naman palang manatili sa bahay, Jav. Hindi lang natin nasusubukan. Siguro nga'y totoong malalaman mo ang kahalagahan ng tahanan kapag kasama mo ang taong mahal mo
  • Nagsimulang mag ehersisyo si Rina. Gusto niya sanang kasama si Jav ngunit ayaw nito. Natatawa naman si Jav sa reaksyon ng kanyang kasintahan ngunit nagkunwari pa itong nagchecheer kaya naman natawa na lang din si Rina.
  • Napagpasiyahan ng dalawa na umupo na muna at magpahinga. Napagod silang dalawa sa ginawa nila. Gabi man nagsimula ang araw nila ngunit natapos pa rin nila ito ng masaya. Kakaiba ang pakiramdam ng manatili sa bahay. Hindi nila maipaliwanag kung gaano kasaya ang kanilang ginawa. Sanay kasi sila na nasa labas at uuwi para matulog at kumain na lang, kaya naman siguro ay naninibago sila kahit na nasa bahay lang din naman sila noong kasama pa nila ang mga magulang nila.
  • Natapos ang araw ng magkasintahan ng masaya at magaan sakanilang pakiramdam na manatili sakanilang tahanan lalo na't sila ay magkasama. Natutunan nilang isa sa pinakamagandang lugar ang tahanan dahil dito lamang sila makararamdam ng labis na pagkaligtas at pagmamahal na tunay. Simula rin non ay nabawasan na ang kanilang paglabas at mas minahal pa ang kanilang tahanan.
Over 30 Million Storyboards Created