Ikaw ay isang mabangis na hayop at bakas nga sa iyong mukha na ika'y nagugutom na. Ikaw ay aking tutulungan.
Tulong! Tulong! Ilang araw na akong hindi nakakakain at ako'y gutom na gutom na. Huwag kang mag-alala dahil ako ay nangangako na hindi kita kakakainin at ito ay isang utang na loob ko sa iyo.
Subalit ikaw ay nangako. Mayroon tayong kasundan na kapag ikaw ay aking tinulungan ay hindi mo ako kakainin.
Nalinlang kita! Ilang araw kong tiniis ang guton sa butas na iyon at hindi na ako makapagpaghintay na makakain.
Anong alam ng mga tao sa utang na loob? Kayo ang dahilan kung bakit patuloy na nakakalbo ang mga kagubatan. Kayo ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga pagguho at ang puno ay ginagamit niyo lamang sa inyong mga pangangailangan kung kaya't marapat ka lamang na kainin.
Hingin muna natin ang hatol ng puno ng pino bago mo ako kainin.
Sandali! Hingiin muna natin ang hatol ng baka.
Kaibigang baka maaari ko bang ihingin ang iyong hatol? (Ibinahagi ang nangyari)
Marapat lamang kainin ang tao dahil pinahihirapan niyo kami. Simula kami ay bata pa ay ginagamit niyo na kami sa pag-aararo at kapag kami'y tumanda ay kakatayin para gawing pagkain.
Ito ay huli na. Maaari ko bang hingin ang iyong hatol kuneho? (Isinalaysay ang nangyari)
Napagdesisyunan ko na magpatuloy na lang ang tao sa kaniya paglalakbay at ikaw tigre ay manatili lamang sa hukay. Iyong isiping mabuti, tigre. Kung hindi dumating ang taong ito at kung siya man ay dumating ngunit ikaw ay pinabayaan lamang, ikaw ay mamamatay dahil sa gutom.